Hindi ko gagayahin ang inutil na si Clottey–Margarito

Binalewala ni dating world champion Antonio Margarito ang pagkukumpara sa kanya kay dating light weltwerweight champion Joshua Clottey sa darating na laban kay Manny Pacquiao.

Matatandaang sa laban noon ni Clottey kay Pacman noong nakalipas na Marso, ay puro takip lamang ng mukha ang ginagawa at hindi halos sumusuntok.

Sa isang panayam kay Margarito, sinabi nitong malabong mangyari na sapitin niya ang ginawa ng Ghanaian boxer dahil iba ang kanyang istilo.

Dagdag pa ng Mexican-American boxer, napakainutil ang performance ni Clottey dahil wala siyang ginawa kundi magpasuntok-lamang ng magpasuntok.

“I am not Clottey, that was a terrible showing for him. I could not understand why he fought the way he did,” ani Margarito.

Magugunitang, naging unamimous ang desisyon pabor kay Pacman sa laban nila na ginanap sa Dallas Cowboys Stadium, Dallas, Texas.

Samantala, sumalang naman ngayon sa sparring sessions si Pacquiao sa Wild Card Gym.

Kasama sa kanyang sparmates ay sina WBA junior welterweight champion Amir Khan, Rashad Holloway, at Ray Beltran.

Ang Pacquiao-Margarito fight ay gagawin sa November 13.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply