Hindi na Pop Star: Sarah Geronimo ‘flop star’

IRITADA ang kampo ni Sarah Geronimo kapag natatawag  itong Flop Star imbes na Pop Star.

Nag-ugat daw ang isyu na ito nang hindi nagre-  rate ang kanilang teleserye na Idol kung saan kasama sina Sam Milby at Coco Martin.

Naghihinayang man ang dalawang co-host ni Sarah na sina Sam at Coco ay wala naman itong magawa at management decision para tsugihin na ang Idol.

As in, wala raw itong rating kaya nagpasya na ang execs ng Dos na tigbakin na ito sa ere.

Sa pagtatanggol naman ng kampo ni Sarah, hindi naman daw true na mababa ang rating talaga, lang daw need na tanggalin ang nasabing show na Idol.(Naku! Tinigbak na nga, umapela pa!—ED)

Dahil naman sa magiging hectic ang iskedyul ni Sarah at may out-of-the country pa, kaya kailangang- kailangan na tsugihin na ang Idol.(Echos!—ED)

Hindi na nga raw mahaharap o maasikaso ni Sarah ang Idol kaya masakit man sa kanyang loob ay nagpasiya na rin ito na sipain ang Idol sa ere.

Hindi naman naniniwala ang aming tsismosang kapitbahay sa pagsasabing magiging busy si Sarah sa kanyang mga singing engagement dahil ang trulili ay hindi talaga nagre-rate ang Idol nina Sarah, Sam at Coco.

Hindi daw nakuha ni Sarah ang target rating para malagpasan ang katapatan nito kaya doon nagsimula ang bagong bansag kay Sarah na Flop Star imbes Pop Star na ikinaiinis ng mga taga-suporta niya sa kung sinuman na nagsasabi na Flop Star ang kanilang idol.

‘Yun na!

KRIS AQUINO, NATUWA SA PAKIKIPAG-DATE NI JAMES YAP

Isa lang ang kataga na namutawi sa labi ni Kris Aquino nang mabalitaan nito na nakikipag-date na ang kanyang dating dyowa dito kay Isabel Oli.

Pretty naman daw si Isabel at hindi na nagkomento pa itong mudra nina Baby James at Joshua hinggil sa isyu.

Tuwang-tuwa pa nga raw si Kris at nakaka-move on na itong si James at ito naman ang gusto ni Kris na makakita na ito ng babe na ipapalit sa kanya kung trulili na sila na nga raw ni Isabel na ex gf ni Paolo Contis.

Kahit nga super deny si Isabel sa isyu ay hindi na nag-react pa sa naglabasan na nag-date sila ng  kanyang ex-mister. Isang makahulugang ngiti lang ang ibinungad ni Kris sa mga press pipol.

At least daw kapag nakakuha na ng bagong mahahalin si James, mas lalo daw mapapabilis ang proseso ng kanilang annulment.

Good for him nga raw para kay James na mapalitan na niya si Kris sa katauhan ni Isabel para raw pare-pareho na silang maka-move on.

GRUNDY GODEN, SUSUNDAN ANG YAPAK NG AMA

Hindi kataka-taka kung sundan ng bunso ni Pastor Franklin Llanita Goden ang kanyang yapak.

Namana ni Grundy sa kanyang butihing ama ang pagiging mahusay na mang aawit.

Katunayan ay isa si Grundy sa pambato sa kanilang choir kapag mayroon na pagsamba ang kanilang sekta.

Kung dati ay puring-puri sa paghataw ng awitin si Grundy kapag may show, aba, ngayon ay triple ang papuri na nakukuha ni Grundy dahil tunay na humusay pa ito lalo bilang isang performer.

Wala naman pagtutol kay Grundy kung sa darating na panahon ay siya na ang humalili sa kanyang ama bilang pastor tagapaghatid ng mabuting balita ng Diyos.

Isa nga raw magandang pamana ng kanyang ama na si Pastor Goden kung maging pastor din itong si Grundy.

Bonggacious! Go, go, go! Jovi Lloza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply