Hindi pinaabot sa Undas ang ilang kandidato

MEDYO marami-rami na rin ang mga kandidatong kapitan at kagawad sa nakaraang halalang ang hindi pinaabot sa araw ng Undas sa Nobyembre 1 at 2.

Bago at mismong sa araw ng halalan, pinakuha kay Lord ang mga ito para lang hindi na sila makaboto o kung nakaboto man ay di man lang nasilayan ang kanilang mga sarili na nanalo o natalo sa halalan.

Tsk! Tsk! Tsk! Ang dumi-dumi, ang sama-sama talaga ng halalan. Kung hindi ka matatalo sa vote buying, flying voters, dagdag-bawas sa canvassing at counting, talong-talo ka dahil paktay ka namang kapitan o kagawad ka.

Marami talaga ang hindi sport sa halalan at dinaraan ang lahat sa milagro, misteryo at bitayan.

Gayunman, sinasabi ng Commission on Elections na successful pa rin ang halalan. Nakararami ang nahalal na buhay kaysa napatay o nabalda sa bala at iba pang mga armas na pantodas sa kanilang mga buhay-pulitika.

Sang-ayon tayo sa Comelec bagama’t nagdurugo ang ating puso at naghihirap ang ating kalooban sa mga pamamaslang.

Bakit? Bigla kasing sumusuot sa ating isipan ang nagaganap sa hanay ng mediamen.

Ang mga paisa-isang pinapatay at ang mga minamasaker, gaya ng nangyari sa Mindanao. Hindi biro-biro ang mapatay sa hanay ng mediamen dahil bukod sa maiiwan nilang pamilya na karaniwang nasasadlak sa hirap at gutom, nawawalan pa ng saysay ang labis nating pinahahalagahan na kalayaan sa pamamahayag na naging bantay o instrumento laban sa mga pagmamalabis ng mga gago sa pamahalaan.

Ganito siyempre sa hanay ng mga pulitiko at nalulungkot tayo para sa kanila.

Pero we must move on.

Anomang unos na dumarating sa atin, kailangan nating lumangoy, lumakad, lumundag tungo sa kaligtasan at pagbabago.

Para sa mga namatayan, hayaan nating habulin ng mahabang kamay ng katarungan ang mga salarin. Umasa tayo ng pagwawagi ng katarungan laban sa mga pamamaslang.

Mayroon pa ngang kamatayan na naghahatid sa atin sa tunay na buhay: mapayapa at puno ng pag-asa at magandang bukas.

Good luck sa lahat ng mga nanalo. Tuparin sana ninyo ang mga mga magaganda ninyong pangako sa sambayanan.

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply