Hindi totoo ang tsismis na nag-over-da-bakod: Bong Revilla, Siyete pa rin

MANANATILING Kapuso si Senator Bong Revilla, Jr. pagkatapos nitong pumirma ng exclusive contract with GMA Network kamailan lang, kaya opisyal itong magiging Kapuso sa mga susunod na taon.

Present sa nasabing contract signing ang manager ng senador na si Lolit Solis, ang GMA Network chairman, president and CEO na si Atty. Felipe L. Gozon, at Senior Vice President for Entertainment  na si Ms. Wilma V. Galvante.

Kaya matatapos na rin ang mga chismax na nag-circulate recently na malamang na lumipat ito ng bakuran sa rival ABS-CBN, dahil papatapos na nga ang contract nito sa GMA or malamang na per project lang ang contract nito before.

May  lumabas kasing chika na may feelers umano ang Kapamilya sa alaga ni Manay Lolit Solis, pero ayun at maagap rin marahil ang Kapuso executives na “itali” na si Sen Bong.  Ang ibang talents kasi ni Many Lolit ay freelancers, as in kahit saang network ay puwedeng magtrabaho.

Ilan sa kanila under Manay Lolit’s management na nakikita natin either sa Dos man o Siyete ay sina Christopher de Leon, Tonton Gutierrez, Gladys Reyes, Glydel Mercado.  Si Lorna Tolentino ay happy na sa pagiging Kapamilya at may gagawin umanong bagong teleserye sa Dos. Inactive naman as of now ang magaling na aktres na si Amy Austria.

Going back to Sen. Bong, ang kanyang Kap’s Amazing Stories ay tatlong taon nang tumatakbo sa Siyete.

Bago ito, ginawa rin ng Senador ang Hokus Pokus at Idol Ko si Kap na naging top-rating shows ng network.

May MMFFP 2010 entry rin si Sen Bong, ang Agimat Ni Enteng with Vic Sotto, na kasosyo ng kanyang Imus Productions ang M-Zet Films ni Vic, at susuporta rin of course ang film outfit ng Siyete.

-oOo-

CONTRACT signing na rin lang ang usapan, ang isa namang ito ay contract signing abroad, as in international recording artists na talaga sina Jay-R at Kyla, kapwa mina-manage ng ALV Talent Circuit ni Arnold L. Vegafria.

Kamakailan lang ay lumipad patungong Jakarta, Indonesia ang dalawang Party Pilipinas hosts para sa pagpirma nila ng kanilang recording contract with an Indonesian music company,  kaya masasabing certified recording artists sa Southeast Asia ang dalawa.

Kasama nina Jay-R at Kyla ang manager nilang si Arnold para sa contract signing with Tarra Group Indonesia, isang sikat na kumpany sa Indonesia, with its president Mr. Wirawan Hartawan.

Nandoon din sa signing si Mr. Ramon Chuaying, ang president ng PolyEast Records at Universal Records Philippines.  Dito sa Pilipinas, si Kyla ay exclusive recording artist ng PolyEast, samantalang under UR naman si Jay-R.

Jay-R’s new album, yung Soul In Love, ay magkakaroon ng launching in Indonesia, and si Kyla, yung album naman niya ang ire-record doon.

Na-release na dito sa Pilipinas ang separate albums nila, pero may ka-duet na silang Indonesian this time.
Nakapaloob sa album ang isang duet with pop and R&B stars ng Indonesia.

Ayon kay Arnold, ang kanyang kumpanya, ang ALV Talent Circuit, along with Universal Records and Polyeast Records, ang nag-negotiate ng contracts para kina Jay-R and Kyla, sa pamamagitan ng kanilang agents sa Southeast Asia, partikular na sa Indonesia at Malaysia.

Ang pinirmahang contract with the recording company ay three years.  May agent si Arnold sa  Indonesia and in Malaysia, at ito ang nag-aasikaso ng lahat. In their six days stay sa Jakarta, nakapag-record na sila ng album, nag-shoot ng MTV, at nag-guests sa local TV shows.

“But the recording of the Indonesian talent is in Bahasa, hindi English, hindi Filipino, but in Bahasa, that’s the language of Indonesia. Yung Bakit Pa Ba ni Jay-R, magiging Bahasa… Si Kyla, nag-record na noon ng isang duet before, part lang siya ng isang album,” balita ni Arnold.

Just recently, nag-win rin si Jay-R bilang Best R & B Artist award sa recently-concluded na 2nd PMPC Star Awards for Music na ginanap kamakailan lang sa Ateneo University Theatre.  May delayed telecast ito sa October 24, Sunday, 10pm-12mn sa Net 25.

-oOo-

CURRENTLY showing na ang White House ng Regal Entertainment, and it’s so delightful to see a different Gabby Concepcion sa horror flick ni Direk Topel Lee, bilang isang “spirit questor” sa lumang haunted mansion na totoong kinakatakutan sa Baguio City, kunsaan sila nagshooting.

Isa sa original Regal Babies noong Dekada ‘80s si Gabby and in all fairness eh, sa kumpanya siya ni Mother Lily Monteverde totoong sumikat at nagkaroon ng maraming blockbuster films noong kabataan niya.

More than 20 years later, nagbabalik-Regal nga si Gabo sa White House kunsaan kasama rin sa cast sina Iza Calzado (bilang revengeful Black Lady), Love Poe, Mo Twister, Maricar Reyes,  Joem Bascon, Sarah Lahbati (first film), etc.  Mell Navarro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply