Holdaper laglag sa biniktimang policewoman

KAMALASAN ang inabot ng isang holdaper matapos na manlaban ang policewoman na hinoldap nito kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakilala ang suspek na si Jeffrey Roxas, 36, ng Gen. T. de Leon, Valenzuela City.

Ayon sa ulat, dakong 6:30 ng gabi, ay nagpakarga ng gasolina si PO3 Gloria Gubatin ng Malabon Police sa de Jesus st., Caloocan City nang lapitan ng suspek at tutukan ng patalim.

Habang kinukuha ng suspek ang bag ng biktima ay nakakuha ng tiyempo ang huli at nahawakan ang kamay ni Roxas na may tangang patalim.

Nagpambuno ang dalawa na nakita ng mga tricycle driver na naging dahilan upang tulungan ng mga ito ang biktima.

Bugbog ang inabot ng suspek na dinala sa presinto, kung saan napag-alamang may standing warrant ang suspek sa kasong carnapping. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply