Holdaper nalambat

BUMAGSAK sa kulungan ang isang holdaper habang pinaghahanap pa ang tatlong kasamahan nito makaraang holdapin ng mga ito ang mga  pasahero ng isang dyipni kahapon ng madaling araw sa Navotas City,

Ang naaresto ay nakilalang si Jonathan Andoyo, 19, residente ng 47 Pitong Gatang, Brgy. Sipac, ng nasabing lungsod.

Kinilala ang isa sa tatlong nakatakas na kasamahan ni Andoyo na si Conrado Peñaranda.

Samantala, ang mga biktimang dumulog sa himpilan ng pulisya ay kinilalang sina  Hernane Delgado, Harlen Bognot, Susan Caparas, Romualdo
Mahinay, Andrea Darlen Suggs, Carl Angelo Mamawag at Mark Mahinay, pawang nasa hustong gulang at mga residente ng nasabing lungsod.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Resty Castillo, ganap na 4:15 ng umaga nang maganap ang insidente sa kahabaan ng G. Pascual cor. Pitong Gatang sts., Brgy. Sipac.

Lulan ang mga biktima sa isang pampasaherong jeep na may plakang CHF-159 at minamaneho ni Jaime Caragdag nang sumakay at nagpanggap na pasahero ang mga suspek.

Nang huminto ang dyipni, lumapit sa upuan ng driver ang isa sa mga suspek sabay tutok ng patalim sa leeg ng driver at nagdeklera ng holdap. Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply