Hostage crisis, ‘jueteng’ nagmantsa kay PNoy

ANG mga kontrobersyang idinulot ng hostage crisis at “jueteng” payola ang nagsilbing peklat sa mukha ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa unang 100 araw ng kanyang pamamahala sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, sariwa pa ang mga pangyayari at mga alegasyon kaya tiyak na agad itong maaalala ng taumbayan.
Eksaktong 100 araw na sa Oktubre 7 ang pagiging pangulo ni Aquino. Nagsimula siyang maupo noong tanghali ng ika- 30 ng Hunyo.
Subalit, sinabi Lacierda na kapag tumagal na sila sa paglilingkod ay mas mangingibabaw pa rin ang mga nasimulan ng Pangulo, partikular ang aniya’y “change of attitude” ng mga mamamayan.
Hindi aniya nasusukat ang nasabing pagbabago na nasimulan ng Pangulo hinggil sa pagtingin ng mga mamamayan sa gobyerno.
Bukod dito ay mararamdaman din umano ang mga epekto ng masigasig na kampanya ng gobyerno laban sa kahirapan at katiwalian.
Hindi naman lingid sa kanilang kaalaman na ang napapansin sa ngayon ng publiko ay ang mga iilang kontrobersyal na bagay habang natatabunan ang mga matatawag na maliliit pero mahahalagang nagawa ni Pangulong Aquino.
Pinaplantsang  mabuti ng Malakanyang ang ulat ng mga nagawang “accomplishment” ng Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa unang 100 araw sa puwesto.
Ayon kay Lacierda, maraming ginawa ang Pangulo na nagpapatunay na maganda ang performance nito bilang pinuno ng bansa. Kris Jose
loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply