Hostage crisis, jueteng: Mantsa sa 100 day

HINDI maiwasang magmamarka sa unang 100 araw ng Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang mga kontrobersyang idinulot ng hostage crisis at jueteng payola.

Ayon kay Presidential Spokesman atty. Edwin Lacierda na sariwa pa ang pangyayari at mga alegasyon kaya tiyak na agad itong maaalala ng taong bayan.

Sa Oktubre 7, eksaktong 100 days na ang Pangulong Aquino sa Palasyo mula nang maupo noong tanghali ng June 30.

Subalit, sinabi Lacierda na kapag tumagal na sila sa paglilingkod ay mas mangingibabaw pa rin ang mga nasimulan ng Pangulo partikular ang aniya’y “change of attitude” ng mga mamamayan.

Hindi aniya nasusukat ang nasabing pagbabago na nasimulan ng Pangulo hinggil sa pagtingin ng mga mamamayan sa gobyerno.

Bukod dito ay mararamdaman din umano ang mga epekto ng masigasig na kampanya ng gobyerno laban sa kahirapan at katiwalian.

Hindi naman lingid sa kanilang kaalaman na ang napapansin sa ngayon ng publiko ay  ang mga iilan pero kontrobersyal na bagay habang natatabunan ang mga matatawag na maliliit pero signipikanteng nagawa na ng Pangulong Aquino.

Pinaplantsang  mabuti ng Malakanyang ang mga accomplishments ng Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa unang 100 araw sa puwesto.

Ayon kay  Presidential Spokesman atty.  Edwin Lacierda, maraming mga ginawa ang Pangulo bilang patunay umano sa kanyang magandang performance. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply