Huling pagkakataon para sa hepe ng Malabon PNP

BINALAAN ni Malabon City Mayor Canuto “Tito” Oreta ang matataas na opisyal ng lokal na pulisya na sisibakin sila kapag hindi nabigyan ng solusyon ang pagpatay kay Brgy. Concepcion Chairman Maximo Bernardo at sa mag-asawang negosyanteng Magcalas ng Brgy. Flores, Malabon City.

Ayon sa alkalde, bibigyan niya ng huling tsansa si Malabon City Police officer-in-charge Supt. Reynaldo Orante upang mabigyan ng hustisya ang pagpatay kay Bernardo at sa iba pang biktima ng karahasan sa nasabing lungsod.

Kapag hindi nalutas ni Orante ang pagpatay kay reeleksyonistang barangay chairman ay wala na itong karapatang manatili sa kanyang posisyon.

Matatandaang noong nakaraang Linggo, dakong 7:15 ng umaga, nang barilin si Bernardo ng isa sa dalawang kalalakihang sakay ng motorsiklo sa kahabaan ng Paez st., Brgy. Concepcion.

Noong Oktubre 9 naman, ganap na 2:45 ng hapon, nang paslangin ang mag-asawang Oliver at Ann Mae Magcalas sa tapat mismo ng kanilang tahanaan sa Brgy. Flores.

Nagmula naman ang napatay na barangay captain sa pagsisimba sa Aglipayan Church at pauwi na nang biglang tambangan ng mga hindi nakilalang salarin.

Ang mag-asawang Magcalas naman ay galing sa paniningil para sa kanilang negosyo.

Samantala, ipinag-utos naman ni Northern Police District (NPD) director Senior Supt. Edgardo Ladao na imbestigahan ang tatlong kandidato na kalaban ni Bernardo sa pagka-kapitan upang mabigyan ng linaw ang naganap na krimen. Kabilang sa mga ito sina dating Kapitan Ramoncito Santos, incumbent barangay councilman Michael Santiago at retired police officer Orlando Vivero.  Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply