I luv u Ma’am/Sir

MULA sa pagiging batang lansangan sa loob ng maraming taon, hindi makapaniwala ang batang si Joshua ng Paco Maynila na makatutuntong siya sa paaralan at makapagtatapos ng elementarya sa kabila ng kanilang pagiging dukha.

Bagama’t nag-iisang anak ni Aling Leni, hindi nito naipasok sa paaralan ang anak hanggang sa sapitin ang ika-12 kaarawan nito.

Ipinagpapasalamat ng mag-ina at tinatanaw na malaking utang na loob ang tiwala at tiyaga bilang suporta ni Teacher Emma ng Lukban Elementary School.

Naniniwala kasi si Teacher Emma na hindi hadlang ang kahirapan para makapagtapos at maabot ang pangarap ng isang mag-aaral kung may kakambal na determinasyon.

Ito ang isang mukha at papel ng isang guro.  Hindi lamang humahangga sa loob ng silid-aralan, mag-lektyur o magturo kung paanong bumasa at sumulat ang isang bata.

Ang guro din ang nagsisilbing pangalawang ina ng bata kapag nasa paaralan. Binubusog ang bata sa kagandahang-asal, nagbibigay ng moral support sa paghubog para ganap na maihanda at maging  matatag ang pundasyon sa pagharap sa mga hamon ng buhay.

Kadalasan, kapag may nagawang kapalpakan ang isang batang mag-aaral, hindi maiiwasang sumalamin sa guro ang ugali nito.  Umaani ng reaksyon kung bakit hindi maganda ang asal ng bata gayung pinag-aaral naman ito.

Hindi lamang dapat iasa ng magulang sa guro ang paghubog sa mga anak.  Mas malaki ang responsibilidad ng magulang sa pagdebelop sa pundasyon ng bata.

Pandaigdigang Araw ng mga Guro

Hindi matatawaran ang kadakilaang ipinamamalas ng ating mga guro mula kindergarten hanggang sa kolehiyo.

Dapat lamang na kilalanin ang kanilang mga sakripisyo.  Sabi nga,” kung ano ka nga-yon, utang mo ito sa  iyong mga guro.”

Pero nakalulungkot na sila pa ang tila namemenos pagdating sa mga benepisyong da-pat ay para sa kanila dahilan din para maghangad ang ilang guro na mangibang bansa ‘for greener pasteur’ ika nga.

500,000 School Teachers humihi-ling ng dagdag na sahod—Legarda

“Despite the enormity of their tasks, the hard reality is that our Filipino teachers are heavily underpaid, compared to their counterparts in neighboring countries, and, even amongst our public servants,” ayon kay Sen. Loren Legarda.

Hindi tuloy naiwasan ni Legarda na ikumpara ang sweldo ng mga gurong Pinoy sa ibang bansa gaya ng Singapore na tumatanggap ng P122,400; Japan P77,889 at Malaysia P17,806.

Samantalang aniya ang isang Filipino teacher ay kuntento na sa P14, 000 sweldo kada buwan na kapwa pareho ang kuwalipikasyon.

Aniya, nasa 500,000 public school teachers ngayon ang nangangailangan ng dagdag na sahod.

“They demand that from the current Salary Grade II they be elevated to Salary Grade 15 and be provided with non-wage benefits, most importantly, medical benefits.

Dagdag pabigat pa din aniya sa mga guro ang isyu ng kanilang mga benepisyo mula sa Government Service insurance System (GSIS).

“Their concerns include: the unexplained deductions in the maturity claims or retirement lump sum of members; unexplained deductions in their salary loans; non-payment of dividends to members; non-deduction of loan payments; deductions of loan payments even if the loans has been paid earlier; non-payment of funeral benefits, educational plans, among others.”

Sa pakikipanayam ng senadora sa mga guro, karamihan aniya sa mga ito ay desisdidong mag-training at mag-aral pa mula sa kanilang sariling sweldo kung kakayanin lang.

“Unfortunately, our poor teachers have limited resources, barely enough to sustain their own and their family’s needs.” Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply