Ibalik ang parusang lethal injection sa rapist

ISINGIT naman natin itong reaction ng isa nating reader kaugnay ng isyu sa pagbitay sa mga rapist at hindi bulukin lamang sa selda.

Dapat lang daw na bitayin agad ang mga rapist at hindi na kailangan pang ikulong ang mga ito para hindi na raw sila pamarisan ng iba.

Dapat lang daw na ibalik ang lethal injection  nang mawala na raw ang mga lalaking hayok sa laman.

Wala na raw kasing takot ang mga rapist na mangrape ng mga kababaihan dahil sa kulong lang ang iginagawad na kaparusahan sa kanila.

Basahin natin ang nilalaman ng text message ng reader.

Morning, sir. I’m an avid fan of Remate. Hindi kumpleto ang araw namin pag wala kaming dyaryong REMATE.
Kuya Johnny, nabasa ko yung reaction ng isa nating reader.

Tama lang po yung opinyon niya na dapat bitayin ang mga rapist at hindi na kailangan pang bulukin lamang sa kulungan para hindi na siya matuluran pa. Kaya lumalakas ang loob nila dahil hindi sila takot. Makulong man sila ay pinakakain naman. Dapat ay ibalik ang lethal injection nang mawala na ang mga hayok sa laman.

Wala silang karapatang mabuhay pa!

OPEN NA OPEN ANG BOLD SHOWS

Sa Caloocan City ay  open na open  sa mga night club at birhawz ang bold shows.

Hindi na raw kumikilos si Mayor Recom Echiverri para iligtas nito ang lungsod sa lumalalang  prostitution sa kanyang nasasakupan dahil sa last term na nito bilang alkalde.

Kaya naman patuloy ang mga minor sa pagbo-bold show sa Del Regs KTV Bar sa C-5 cor. Quirino, Novaliches, Caloocan.

Ginagawa nang motel ang mga VIP room sa KTV bar na ‘yan.

Mayor Recom, anong klase kang alkalde?!?!

oOo

Anomang reklamo o puna ay itext lang sa 09189274764, 09266719269 o e-mail sa juandesabog @yahoo.com. Johnny Magalona

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply