Ibang sekta sasawsaw na sa usaping RH bill

MAKIKISALI ang ibang religious sector sa dayalogo sa Malakanyang kaugnay sa kontrobersiyal na Reproductive Health Bill.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na hindi lang ang mga kinatawan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang makaka-dayalogo ng Malakanyang kundi maging ang iba pang religious sector na labis na nagpahayag ng kanilang saloobin ukol sa RH bill.

“Hindi lang naman po mga katoliko ang dapat pinapakinggan as I understand din po meron din pong paninindigan an gating mga kapatid na muslim doon sa isyu so dapat po lahat ng stakeholders pakikinggan ho natin,” anito.

Wala naman siyang ideya kung anu-ano ang mga religious groups na sasali sa dayalogo.

“Sa ngayon po wala po wala pa po sinasabi dahil ang pinaka-vocal po ang mga obispo sa simbahang Katoliko, so titingnan din po natin kung gusto rin nila magbukas ng diyalogo kasama si Pangulong (Benigno) Aquino (III),” ayon kay Valte.

Sa kabilang dako, ikinatuwa naman ng Malakanyang ang naging pahayag ng CBCP na ititikom muna nila ang bibig ukol sa nasabing usapin hangga’t hindi natatapos ang dayalogo nila kay Pangulong Aquino.

Nauna nang inihayag ni Fr. Melvin Castro ng CBCP na hindi sila maglalabas ng anumang statement hinggil sa birth control policy ng gobyerno habang hindi pa nagkakaharap ang CBCP at Presidente.

Para sa kanya ay pagkakataon na rin  ito para i-assess at sitwasyon at magdasal.

Tinuran ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, na malugod na tinatanggap ng Malakanyang ang naging hakbang na ito ng CBCP para maging kalmado muna ang lahat at maiwasan ang mga pagbabanta ng civil disobedience o excommunication.  Kris Jose

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply