Ibangon at huwag silang pagsamantalahan

GRABE at napakalawak ang pinsalang tinamo ng milyong mamamayan sa pananalasa ng super typhoon na si Juan.

Kung magsaya man ang Pangulong Noynoy sa almost zero casualty sa bagyo, malatang-malata.

Hindi pa rin biro-biro ang 10 na bilang ng namatay.

Isa pa, hindi bitbit lahat ng Palasyo ang mga bangko para sa pagsasaya.

Magandang ipaalaala natin sa kanya kung paano nakatulong ang media sa pagpapalaganap ng mga pangkaligtasang programa.

Nagtulong-tulong ang mga diyaryo, radyo, telebisyo, internet at may cellphone para ibahagi ang mga babala ng PAGASA ukol sa bagyo, kung saan patungo at kalakas ito upang makapagresponde ang lahat.

May sarili ring mga diskarte ang media sa pagtulong sa mamamayan na magiging alerto laban sa anomang kapahamakan.

Siyempre pa, ang kooperasyon ng mamamayan sa mga panawagan para sa kaligtasan ang naging susi upang maliit lang ang bilang ng mga nasawi.

Nakatulong na rin sa pag-aayuda sa mga taga-Palasyo ang mga pulis, militar, lokal na pamahalaan atbp.

Pero may natatangi ang tulong: ang mga pulitiko na kalahok sa pambarangay at pangkabataang halalan.

Alam ba ninyong naging mas listo pa ang mga ito kaysa sina Ms. Dinky Soliman sa DSWD?

Kung lugaw, sardinas at noodles ang dala ng DSWD, malayong mas magaganda ang mga dalang biyaya ng mga kandidato.

Para naman makakorner sila ng mga boto. He! He! He!

oOo

All told, kalahati lang ang nagagawa ng pamahalaan, sa totoo lang.

Bakit?

Ang dami pang gagawin para ibangon mula sa pagkakalugmok ang milyong magsasaka, mangingisda, negosyante at iba pang nawalan ng kinabukasan sa pagkasira ng kanilang mga hanapbuhay.

Nasaan na ang mga binhi, kapital, abono, feeds, fingelings at lahat ng ayuda para sa mga magsasaka at mangingisda?

Ang ayuda sa mga negosyante na nasiraan ng mga imbakan ng kalakal at nasirang mga gamit sa pangangalakal nasaan?

Nasaan ang pagbabantay laban sa overpricing ng mga mapagsamantala sa mga bilihin, kabilang na ang sa mga magnanakaw sa mga calamity fund?

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply