IIRC ready na sa pagsisiyasat muli sa hostage -taking

Agad magtatakda ng bagong kalendaryo ang Incident Investigation and Review Committee (IIRC) para sa ikalawang yugto ng kanilang imbestigasyon pagkatapos ng anunsyo kahapon ng Malakanyang sa review ng legal counsel ni Pangulong  Aquino .

Sa panayam kay IIRC chairperson at Justice Secretary Leila De Lima, sinabi nitong naipabatid na nila sa mga ahensiya at indibidwal na magsisilbing bahagi ng IIRC probe ang kanilang paanyaya, partikular na dito ang PNP at Napolcom.

Magugunitang hindi nasunod ang unang schedule ng komite dahil sa kakulangan ng datos para sa phase one, pagkaantala ng pagpapalabas ng review mula sa Malacañang at ang naging pagdalo ni De Lima sa budget deliberation ng Kamara para sa magiging pondo ng DoJ sa susunod na taon, bukod pa sa personal nitong pagdalaw sa biktima ng gang rape sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon kay De Lima, bagama’t napaka-sensitibo ang unang bahagi ng IIRC probe, mabusisi din aniya ang magiging takbo ng ikalawang yugto nito dahil ang mabubuo sa table review ng panel ang magiging batayan sa pagbuo ng mga batas na may kinalaman sa mga posibleng insidente tulad ng nangyari noong Agosto 23 sa Luneta, Maynila.

Nilinaw naman ni De Lima na igagalang nila ang naging laman ng review ng Malacañang, dahil ang pinal na desisyun naman anya ay nasa kamay ni Pangulong Aquino. Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply