Illegal recruitment grabe na — OWWA

UMAMIN si  Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) information officer Alberto Peñaflor  na talamak pa rin ang illegal recruitment activities sa bansa kaya’t dapat mag-ingat ang mga nagnanais magtrabaho sa ibang bansa

Ayon kay Peñaflor, ang babala ay upang maiwasang maloko  mga nagkalat na illegal recruiter at mga kompanyang gumagawa ng iligal na aktibidad laban sa mga  inosenteng OFWs .

Karamihan sa mga aplikante ay talagang mapeperahan lamang kung hindi magsisiyasat ng mabuti.

Ilan sa mga bagay na kailangang alalahanin kung mag-a-apply sa abroad ay ang mga sumusunod:

Huwag mag-apply sa mga recruitment agencies na hindi lisensyado ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA); gayundin sa mga lisensyadong ahensya pero wala namang mga job orders; maging sa kahit sinong tao na hindi

awtorisadong maging  representante ng ahensya; at huwag magbayad ng placement fee kung wala pang balidong employment contract at resibo. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply