Iloilo, Negros angat sa PCA meet

SINUNGKIT ng University of Iloilo at est Negros University ang Visayas Islands Regional Games sa ginanap na Philippine Collegiate Championship sa Iloilo City.

Itinumba ng Iloilo Wildcats ang AMA Titans, 103-82 na ikalawa nilang pananalasa kasunod ng pagpapalubog sa Philippine Maritime Institute ng Bohol 103-85.

Iwinasiwas naman ng West Negros University Mustangs ang Asian College of Science and Technology, 105-77 kasunod ng panalo laban sa PMI Navigators sa iskor na 103-85.

Ang AMA Titans, kampeon sa Ormoc City League ay unang nagwagi sa Navigators, 111-89 at laban sa ACSTI Lightings noong opening day sa iskor na 94-78.

Mapabibilang ang mananalo sa Visayas Islands games sa CESAFI qualifiers na University of San Carlos Warriors, Southwestern University Cobras at Mindanao Regional champions sa Vis-Min Zonal qualifying games at dito kukunin ang dalawang puwesto na kung saan nakasalalay ang lalaro sa “Sweet 16 “ finals.

Ang Zonal games ay gaganapin sa Cebu City sa pangatlong Linggo ng Nobyembre.  Radito Torres

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply