Impeachment sa Ombudsman aksaya lang ng oras

PAGSASAYANG  lang  ng oras at pondo ng pamahalaan ang isinusulong na impeachment complaint laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Ito ang paniniwala ni Atty Estelito Mendoza na nagsilbing solicitor general at justice minister sa panahon ni dating Pangulong Marcos.

Ipinaliwanag ni Mendoza na sakaling maaprubahan ng kamara ang nasabing impeachment complaint at maisampa sa senado, obligado  itong dinggin ng mga senador na uupo bilang mga senator judges.

Dahil dito, matutuon anya ang panahon ng mga senador sa pagdinig sa kaso ni Gutierrez at maraming mas mahahalagang trabaho ng mga mambabatas ang posibleng mapabayaan.

Ayon kay Mendoza , mas praktikal na hintayin na lamang ng mga nagsusulong ng impeachment laban kay Gutierrez ang pagtatapos ng termino dahil dalawang taon na lamang itong mananatili sa pwesto.

Itoy dahil sa posible rin anyang tapos na ang termino ni Gutierez pero hindi pa rin pinal na nareresolba ang impeachment complaint na inihain laban sa kanya.

Samantala, ipagpapatuloy muli ngayong araw (Oct 12) ang oral argument sa Supreme Court (SC) kaugnay sa naturang usapin ganap na alas dos ng hapon.  Teresa Tavares

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply