Impeachment vs Merci hihigpitan

NAGHIGPIT kahapon ang Supreme Court (SC) sa isasagawang oral argument ukol sa kaso ng impeachment proceedings laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Bukod dito, naglabas din sila ng status quo ante order.

Pinaghandaan ng korte ang paglalagay ng mga malalaking screen sa labas ng venue upang hindi na pumasok sa loob ang mga magco-cover na media at iba pang nais sumaksi sa pagdinig.

Nagparalabas din ng written guidelines para sa mga abugadong humarap upang hindi umano magkaroon ng kaguluhan.

Sa kopyang ipinamahagi sa attending parties, binigyan lamang ng 30 minuto ang kampo ni Ombudsman Gutierrez, 30 minuto rara sa panig ng House leadership na pinangungunahan ni Speaker Sonny Belmonte at 30 minuto rin sa mga petitioner na kinakatawan naman ni House Minority Leader Edcel Lagman.

Batay sa rules, pinapayagan ang kahit ilang abugado para sa alinmang kampo subalit bahala silang paghatian ang 30 minutong ilalaan ng kataas-taasang hukuman.

Kahapon, nagdagdag na rin ng mga bantay sa labas ng Supreme Court complex dahil sa pina-igting na seguridad lalo’t mainit pa ang isyu ng pagsabog sa bar exam venue noong isang lingo. Nenet Villafania

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply