Improbable!

MAGKAKAIBA – tulad ng inaasahan – ang reaksiyon, opinyon at suhestyon ng mga sports officials, atleta, miron at mga nagkukunwaring ‘sports genius’ sa resulta ng performance time trial ng Philippine Dragon Boat Team.

May nagsabi na ‘well deserve’ na maisama ang Pinoy paddlers sa national delegation na isasabak sa Asian Games sa Nobyembre sa Guangzhou, China.

Hindi lamang ‘deserving’, bulalas na isa, bagkus sure gold medal ang koponan sa sports na gaganapin sa unang pagkakataon sa quadrennial meet kung gagamiting basehan ang naitala nilang oras.

Pero, teka! may ilang aspeto na tila nais malaman ang screening committee ng Philippine Olympic Committee (POC). May kurot kasi ng pagdududa ang mga numerong naisumite ng koponan sa naturang time trial.

Napagkasunduan na gamitin ang bronze medal time sa 2008 Asian Championship na ginanap sa Penang, Malaysia kung saan ang klase ng tubig na pinaglaruan ay parehong-pareho sa Lamesa Dam sa Quezon City..

Sa men’s 200m at women 200m, kailangan na makadikit lamang sa 44.74 at 49.07 segundo ang ating paddlers, ayon sa pagkakasunod. Sa isang iglap, maging ang gold medal time standard ay nadaig nang walang hirap n gating mga atleta sa naitalang 41.88 at 46. 85.

Impresibo. Hindi ba?

Sa 500m event, ang oras na dapat talunin ay 1:55.70 at 2:06.85, ngunit hindi lang ito tinalo bagkus winasak ng dragon boat team ang gold medal time sa Penang event sa oras na 1:47.00 (1:50.10) at 1:58.38 (2:06.25), ayon sa pagkakasunod.

Shock ang mga Jejemon.

Kakaibang tulin din ang naitala ng koponan sa 1000m events.

Malinaw na anim na gintong medalya ang siguradong mapapanalunan ng Philippine Team sa Guangzhou. Sa ganitong performance, malalagpasan ng RP Team ang record ng koponan noong 2006 sa Doha, Qatar kung saan nakapaguwi ang Pinoy ng apat na ginto, anim na silver at siyam na bronze medal.

Kung ganoon, wala nang dapat pang pagtalunan. Isama ang koponan para masiguro ang tagumpay ng bansa na tahasang umaasa lamang sa sports na boxing, bowling, billiards, wushu at taekwondo.

Pero teka, teka! kung marami ang natuwa,marami din ang nagdududa sa naturang performance ng time trial.

“Mathematically improbable,” giit ni POC screening committee member Clarito Samson. “In a sports which was decided by tenth of a seconds, nakapagdududa na ma-break ang Asian standard by more than two seconds.”

“May nakain ba silang iba? Masyadong mabilis,” manghang pahayag ni Col. Jeff Tamayo, chief ng Asian Games monitoring group.

Mismong si Col. Tamayo ang sumukat ng distansiya bago ang karera gamit ang GPS navigation system at absuwelto sa kanya ang aspeto na kulang sa distansiya.

Ano nga ba ang nagbigay ng kakaibang lakas sa mga atleta para maitala ang hindi inaasahang performance. May kakaiba ba silang paghahanda na ginawa? Pagkain na posibleng pagkunan ng lakas?

Sinabi ni Karen Trinidad, sports psychologist na nagsagawa ng ng counseling sa mga atleta, ang hamon na ibinato sa mga atleta ang ‘motivating factor’ sa kanilang matikas na performance.

Naganap ang dapat mangyari. Natugunan ang pangangailangan. Kung makakasama sa Asian Games ang Pinoy paddlers, nasa kamay na ito ng pamunuan ng Philippine Olympic Committee (POC).

Para sa komento at suhestyon, ipadala sa zea19ker@yahoo.com. Edwin Rollon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply