Inay patay sa pinaglaruang sumpak ng anak

NAMATAY ang isang ina matapos aksidenteng tamaan ng bala ng sumpak na pinaglalaruan ng batang anak nito  sa loob ng kanilang tahanan sa North bay Boulevard South, Navotas City.

Kinilala ni Supt. Bernard Tambaoan ang biktima na hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center (TMC) sanhi ng tinamong tama ng sumpak sa kaliwang bahagi ng katawan ay si  Virginia Agacejo, 4, ng Blk. 32, Lot 29, Phase 2, Area 2, Tumana st., Brgy. NBBS, Dagat-dagatan, nasabing lungsod.

Nasa ligtas namang kalagayan ang anak ng biktima na itinago sa pangalang Jhon-Jhon, pitong taon gulang, nakakalabit sa gatilyo ng sumpak na pinaglalaruan nito.

Base sa imbestigasyon ni PO1 Tristan de Lara, dakong 2:00 ng hapon, nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng pamilya Agacejo.

Kasalukuyang nagpapahinga sa loob ng bahay ang biktima kasama ang isa pa nitong anak na babae na si Marie nang dumating si Jhon-Jhon na may hawak na sumpak.

Nang paglaruan ng bata ay aksidente niya’ng nakalabit ang gatilyo ng baril kung saan tumama sa katawan ng biktima.

Mabilis na isinugod sa nabanggit na pagamutan si Virginia subalit hindi na umabot nang buhay. Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply