Indie Films puro kalaswaan

DAPAT na siguro magising ang nagtatangkang mag-produce ng Indie Films na maliit nga naman ang puhunan at prente na nakakapag-produce ka ng isang pelikula.

Ang siste ay ginagawa naman ng mga director nitong Indie Films ang kanilang ilusyon na kabaklaan na madalas may love scene ang gay sa isang baguhang actor.

Kadalasan rin ay puro kalalakihang baguhan ang ini-expose sa naturang movie na ilalantad ang pagka-lalaki nito na kadalasan ay hindi na kailangan.

Lumalabas ay sa kapritso na lang ng director na makita at ma-expose nito ang ka-inosentehan ng mga kapus-palad na mga baguhang lalaki na naghahangad makilala bilang isang artista.

Sa 100 Indie Films na nagawa ay baka 10 lang dito ang masasabing matino at may kabuluhan talaga ang istorya and the rest ay puro kalaswaan.

***

Usap-usapan ang paglabas at pagsasalita ni Mariel Rodriquez sa The Buzz last Sunday. May naawa at mayroon din nagtaas ng kilay.

Anyway, naging emotional si Mariel habang isa-isang sinasagot ang mga isyung ibinabato sa kanya.

Inamin niyang nasasaktan siya kapag tinatawag na malandi dahil sa napakabilis ng pangyayari sa kanila ni Robin Padilla.

“Tawagin ninyo na akong malandi kung, nakipaglandian ako, nakipag-flirt ako, nakipag-live in ako.
Hindi naman ganoon. Nagkaligawan kami. Na-in-love kami at nagpakasal,” mangiyak-ngiyak na say ni Mariel.

Sinabi rin ni Mariel na pagod na pagod na siya sa pagsasabi ng tao na sinungaling sila.

“Ako personally, pagod na pagod na ako na tinatawag kaming sinungaling. Whatever you say, kami pa rin ang may kasalanan. I don’t understand why?

“Hindi na ba matatapos? Hindi ba puwedeng maging masaya na lang? Ito na nga, inilabas na ang totoo, sinungaling pa rin.May butas pa rin,” patuloy pa ni Mariel.

Anyway, kung masaya sina Mariel at Robin ay masaya na rin si Liezel Sicangco sa dalawa dahil nakita nito ang kasiyahan ng dalawang nagmamahalan.

Payo lang ni Liezl kay Mariel na huwag nang titingin sa ibang lalaki kahit sa driver dahil seloso daw si Robin

At isa rin sa pinakamasaya si Liezl oras na ma-annul ang kasal nila ni Robin dahil magiging malayang-malaya na siya.

***

Kahit busy sa paglalaro ng basketball ni Chris Tiu bilang Captain ball ng RP Team ay patuloy pa rin mapapanood ang “Ripley`s Believe It Or Not” ni Chris ngayong Wednesday sa GMA 7.

Kapwa love ni Chris ang pagho-host at paglalaro ng basketball kaya inaayos niya ang schedule para mabigyan ng tamang oras ang pagte-taping ng “RBION”

Proud na proud si Chris sa mga napiling kasama sa RP Team dahil iisa ang kanilang goal, mabigyang karangalan ang ating bansa na makapag-uwi ng gold medal sa pagsali sa iba`t-ibang international basketball competition.

***

Sa one-on-one interview ni Raymond Gutierrez kay Congressman Ronald Singson sa Showbiz Central last Sunday ay inabsuwelto nito ang actress na si Lovi Poe na siyang dahilan ng pagkakakulong niya sa Hong Kong dahil sa pagdadala ng pinagbabawal na gamot.

Pinagdiinan ni Ronald na walang kinalaman si Lovi sa nangyari sa kanya at nagpasalamat siya sa actress sa suportang ibinibigay nito sa kanya magmula nang makulong sa Hong Kong.

Sabi pa ni Ronald, hindi niya mababayaran ang ginagawang suporta sa kanya ni Lovi nang magkulong sa Hong Kong.

Ang puntahan siya kahit na busy ang actress ay hindi niya makakalimutan. Kaya nangako na oras na makalaya ay babawi siya sa mga taong sumuporta sa kanya.

Sa interview pa ni Raymond ay naklaro rin na may tampo pala itong si Ronald sa amang si Ilocos Sur Governor Chavit Singson.

Akala kasi ni Ronald ay wala nang panahon sa kanya ang ama dahil laging nakatuon ang oras nito sa pulitika at kailangan pa mangyari sa kanya ang makulong sa ibang bansa para mapagtanto na nagkamali siya sa pag-aakalang hindi siya mahal ng kanyang ama.

Aniya: “Kung lumapit lang ako sa aking daddy (Chavit) at mommy ay hindi mangyayari ito.”

Ang dating ng mga nakapanood sa interview ay may problema si Ronald at kung sinabi at humingi siya ng advice and tulong sa magulang ay hindi siya ngayon nakakulong sa Hong Kong dahil sa pagdadala ng pinagbabawal na gamot.

Nangako si Ronald na oras na matapos ang kaso at makalaya ay gagawin niya ang lahat para maibalik ang tulong na tinatanggap at malinis ang kanilang pangalan na kanyang nadungisan.

Bago matapos ang interview kay Ronald ni Raymond ay muling itinanong kay Congressman kung ano ba talaga ang real score sa kanila ni Lovi.

Natawa ito at sabay sabi na magkaibigan pa rin sila ng actress.

***

Sa bibig ni DJ Mo Twister naming narinig nang mag-guest kami sa Paparazzi Presscon Express na madalas pa rin tumawag si John Lloyd Cruz kay Ruffa Gutierrez.

Madalas daw tumunog ang cellphone ni Ruffa pero hindi raw ito sinasagot ng actress kaya nagtatanong tuloy si DJ sa co-host sa Paparazzi kung bakit ayaw sagutin ang tawag ni Loydie?

Pero hindi rin nagtagal ay nagsalita na rin si Ruffa na totoo madalas daw tumawag si Loydie sa kanya dahil magkaibigan pa rin naman daw sila hanggang ngayon ng actor.

Ang tanong ng mga kasama natin sa panulat kung alam raw ba ni Shaina Magdayao na kasalukuyang girlfriend ni Loydie ang tungkol dito?

Ang naging sagot naman ni Ruffa ay hindi raw niya alam dahil hindi sila close ni Shaina. Ang ate daw nitong si Vina Morales ang mas kaibigan niya.

***

Samantalang nilinaw ni DJ Mo na hindi niya kagustuhan na hindi makapiling ang kaniyang anak kay Bunny Paras na si Moira.

Sa loob daw nang maraming taon ay inilihim daw sa kanya ng ina ng bata ang tinitirhan nila at hindi raw niya alam ang telephone nito.

Sinabi niya ito bilang sagot sa muling paglitaw ni Bunny na nagsasabing wala siyang (DJ Mo) ibinibigay na suporta sa kanilang anak na si Moira, 12 years old na ngayon.

Ipinaliwanag ni Mo na wala sa kanya ang pagkukulang kundi nasa ina ng bata. Dahil kung talaga raw tapat ito sa sinasabi ng ina ay hindi daw dapat itinago sa kanya si Moira. Seven years din daw sila hindi nagkitang mag-ama.

Sabi ni Mo, sa susunod na maging ama siyang muli ay hindi na niya papayagan na di siya maging ama sa anak. At nangako sa kanyang susunod na babaeng mamahalin ay ipinapangako niyang siya ang magiging the best boyfriend.

***

Nakipag-meeting na si Richard Gutierrez sa GMA 7 para sa taping ng Captain Barbell na magsisimula na sa last week ng October. At the next day naman ay nakipag-meeting naman siya sa GMA Films para sa pang-Valentine movie nila ni Anne Curtis.

Pero sa latest na tsikang natanggap namin ay wala pa raw final project at final leading lady.
Nangangahulugan na papalitan ang naunang title na “Maybe This Time” at si Anne.

Samantalang hindi makapaniwala si Chard na maghi-hit ang Survivor Philippines: Celebrity Showdown sa time slot nito ngayon dahil masyadong maaga at nasanay na ang mga viewers na late ang time slot nito.

Naitsika niya na siya ang nag-suggest na iere ang “SP” pagkatapos ng 24 Oras at alam daw niya na isa itong risk pero nagklik nga at nagpapasalamat siya sa mga sumusubaybay ng show.

Kung si Chard din ang masusunod, gusto niyang siya pa rin ang mag-host ng next season ng Survivor Philippines kung muli daw ipagkakatiwala sa kanya ng GMA 7. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply