‘Ingat Pilipinas’

ISINISISI  sa ‘human error’ ang walumpung porsyentong aksidente sa mga lansangan sa bansa.
Umaabot sa P235B ang nawawala sa kabang-yaman ng Pilipinas dahil sa mga pinsalang dulot ng aksidente na dapat sana’y makatutulong pa sa pagpapatayo ng mga paaralan, hospital at iba pang makabuluhang proyekto ng gobyerno para sa sambayanan.

Ito ang naitala sa  2008 Police Reported Accident ng Department of Transportation and Communications.  Maraming buhay na ang nawala, mga abusadong drayber na bumabagsak sa kulungan dahil sa kapabayaan at mga  pamilyang nagdurusa dahil nawalan ng breadwinner sa tahanan.

Sa stadistika ng Philippine National Police (PNP) Highway Patrol Group,  mahigit sa 20, 008 road accidents ang naiulat nitong 2009; nangangahulugan ito ng  50 aksidente kada araw.

Basta driver, sweet lover

Gasgas na ang kasabihang ito sa mga drivers.   Sa mga sunod-sunod na aksidente na sangkot ang drivers, sabi ng marami, “basta driver, accident lover.”

Sa 2000 Study on Urban Transport Development Final Report, 78 porsyento sa commuters (biyahero) ang umaasa sa mga bus, jeepney, taxi, tricycle, tren  (LRT/MRT), maging ang mga padyak.

Malinaw na hihinto sa paggalaw ang malaking bahagi ng bansa kung mapipilay ang operasyon ng mga pampublikong sasakyan.

Sa buhay lungsod, halos bawat galaw ng tao ay sumasakay malapit man o malayo patungo sa ating mga destinasyon.

Sa bawat pagsampa sa sasakayan, ipinauubaya na ng isang commuter ang kaniyang buhay sa manibela ni Mamang driver.  Sambit ang mga katagang ‘sana’y maayos na makarating sa patutunguhan at makabalik ng mapayapa sa piling ng mga minamahal.’

“We may think  nothing of riding public utility vehicles to work or to school, but it’s actually an act of trust.  It’s trusting the drivers to get us to our destinations on time; it’s trusting them to have checked and fine-tuned their vehicles; it’s trusting them to follow road signs—it’s trusting them with our lives,” ani Eros Zuniga, National President, Safety Organization of the Philippines Inc. (SOPI), sa paglulunsad ng “Ingat Pilipinas.”

Human error

“Human error is defined as the imbalance between the situation requires, what the situation intends and what the person does,” ayon sa Safety Agency for Healthcare (OSAH).

Ito ang magkasalungat na nais mangyari ng isang drayber taliwas sa ipinatutupad ng sitwasyon, pagkakataon o batas.

Kailan nga ba nagaganap ang human error  sa usapin ng mga kortesiya sa lansangan?

“Do the wrong thing for a given situation.”  Halimbawa nito ang paglabag sa mga batas trapiko. “Fail to do anything when action is required” gaya ng hindi pagdadala ng extrang gulong.  “Plan to do the right thing but with the wrong outcome,” making an accidental wrong turn.’

Sa 2010 survey ng ng pinaka-popular na transportasyon sa Metro Manila, pangunahing dahilan ng road accidents dahil sa human errors ay:  64 porsyento sa mga driver na pabaya sa kanilang mga minamanehong sasakyan; 44 porsyento sa “overspeeding” o pagpapatakbo ng mabilis taliwas sa speed limit; 23 porsyento sa “overloading” at 22 porsyento ng paglabag sa mga batas trapiko.

Hari ng kalsada, hari ng pag-iingat

Simbolo ng ating kultura ang jeep at pinakapopular na sasakyang pampubliko.  Sa talaan ng Metro Manila Urban Transport Improvement Project,  41 porsyento ng commuters ang sumasakay sa jeep, ang pinaka-abalang sasakayan sa metro Manila .  Samantalang 19 porsyento ang sumasakay sa tricycles, 13 porsyento sa bus at 5 porsyento sa taxi.  Sa kabuuuan, ang jeepney ang nangungunang trasportasyong pampubliko sa mga biyahe sa isang araw.

Sakit sa ulo, sakit sa trabaho

Ang hindi “magandang pakiramdam” sa pagmamaneho ay isa din sa pinakamalaking hamon ng aksidente sa lansangan.  Pananakit ng ulo, katawan lagnat at iba pang sakit sa katawan.

Ayon kay Dr. Gerald C. Vilela, Clinician, Unilab-Biogesic, hindi biro kapag hindi maganda ang pakiramdam ng isang driver kapag hawak na ang manibela.  Hindi na makadiskarte ng maaayos, nawawala sa mood, sa konsentrasyon, nawawala sa wisyo.

Ang iba naman na ayaw isugal ang kaniyang buhay at mga pasahero nito, nagpapasiya na lamang umuwi kahit kapalit nito ay kawalan ng kita sa maghapon.  Nangangahulugan din ng kawalan ng panggastos sa pamilya.

“Practicing safety on the road can’t be overemphasized.  In the case of public utility vehicle drivers, they’re not only responsible for their personal safety, but also for that of their passengers as well. For instance, an average jeep has around 20 passengers at anyone time—and this translates into 20 different people putting their safety—and lives—in the hands of the driver,” ani Col. Butacan of PNP.

Ingat Pilipinas

Upang maiwasan ang aksidente dulot ng “human error” sa lansangan, nagsanib-pwersa ang mga pribado at pampublikong ahensiya sa paglulunsad ng Ingat Pilipinas.

Bilang inspirasyon sa popular na Biogesic tagline na “Ingat”,  mabilis na tatatak sa bawat isip ng Pinoy, driver man o commuter na mag-ingat sa lansangan.

Naniniwala ang mga ahensiyang bumubuo sa Ingat Pilipinas , ang PNP-HPG (Highway Patrol Group), Metro Manila Development Authority (MMDA), Department of Labor and Employement (DOLE) at sub-agencies nito, ang Bureau of Working Conditions (BWC) at ang Occupational Safety and Health Center (OSHS), SOPI at ang Biogesic sa pribadong sektor, na  higit na mapahahalagahan ang kaligtasan ng bawat Pilipino sa lansangan sa kabuuan ng bansa sa araw-araw.

“It’s a fact that 80% of accidents are caused by human error, but we shouldn’t forget that this also means that 80% of all accidents could have been, could be and should be prevented. Kailangan lang talaga ng ibayong pag-iingat,” ani Joey Romana ng Biogesic.

“Human error is inevitable, but if other people’s lives are on the line, there is no room for error.  With a safer and more effective Philippines in mind, more private companies and government offices are expected to join the coalition,” ayon sa SOPI.

“It’s time that we go beyond saying “Ingat,” it’s time we work together and actually do something to make our roads, workplaces and eventually even the whole country itself, safer and more effective—starting with ourselves.  Our decision is to be safety-concious can make a big difference,” pagtatapos pa ng kasapi ng Ingat Pilipinas.

— oOo —

Kung nais ninyo na maging bahagi ng Biggest Public Pledge event sa Nobyembre 27 sa SM Mall of Asia, mag-log on lamang sa www.ingatpili pinas.com. Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply