Inilublob ng Air21 sa 3rd talo ang Llamados

HABANG magkapantay sa tuktok ng 10-team standings na kapwa nasungkit ang 3-0 slate, ang 2009 champions Alaska Aces at ang liyamadong Talk N’ Text ay patuloy naman sa pangangapa sa laro ang B-Meg Derby Ace na muling pinasadsad ng Air21 Express na nagtala ng unang panalo sa Phoenix Fuel  PBA on Tour sa lungsod ng Naga sa iskor na 69-77.

Ang top PBA draft na si Severino “Nonoy” Baclao at ang 2nd choice na si Rabeh Al-Hussaini ay nakatulong sa unang panalo ng Air21 sa pagdaragdag ng 8 at 5 puntos sa 21 output ni Ronjay Buenafe, 11 ni Wesley Gonzales at tig-9 points nina Ronnie Matias at Carlo Sharma.

Naramdaman ng Llamados ang pagkawala nina Marc Pingris, Kerby Raymundo at Rafi Reavis na pawang nasa injury list na nagresulta sa tatlong sunod-sunod na talo ng pangkat ni coach George Gallent na nababaon sa pinakamalalim ng standings.

Bahagyang nakauna ang Llamados sa 1st half, 36-33 sa malaking 15 rebounds sa kabila ng mahinang porsiyento sa shooting.

Nang nagsimulang gumana ang shooting ng Aces nina Buenafe, Sharma at ng nagbabalik-larong si Wynne Arboleda ay naungusan ang Llamados habang ang two-time most valuable player na si James Yap at si Roger Yap ay halatang wala sa kondisyon sa kanilang mga tirada. RT

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply