Inmate naglaslas ng pulso

NAGTANGKANG magpakamatay sa pamamagitan nang paglaslas ng pulso ang isang inmate sa loob mismo ng detention cell sa Caloocan City.

Kinilala ni SPO1 Constantino Guerrero ang inmate na si Rommel Tecson, 20, at may kasong illegal possession of firearms and ammunition.

Ayon kay Guererro, nakita ng kapwa preso si Tecson na hinihiwa  ang kanyang pulso dakong alas-nuwebe ng gabi sa loob ng kanyang detention cell.

Nabatid na noong nakalipas na Oktubre 10 ay hinuli si Tecson dahil sa pagdadala nito ng shotgun, mga bala ng baril at sumpak. Agad siyang sinampahan ng kasong paglabag sa Omnibus Election Code (gun ban).

Nabatid na si Tecson, na umano’y gumon sa iligal na droga, ay isinuplong ng kanyang sarili nitong ama.

Ayon sa ilang kasamahan ni Tecson sa kulungan, lubhang nalungkot sa loob ng piitan ang biktima kaya’t madalas niyang hinihintay ang pagbisita sa kanya ng kanyang ama. Jun Samson

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply