Isa-isang pinapatay ang mga kandidato

HABANG palapit nang palapit ang halalang pambarangay at pangkabataan o Sangguniang Kabataan, paisa-isa namang pinapatay ang mga kapitan, kagawad at iba pang kandidato

Pinakahuling napaslang si Barangay Chairman Francis Cariño ng Brgy 2, Sarrat, Ilocos Norte.

Mga tauhan umano ni Sarrat Mayor Edito Balintona ang pumaslang kay Carino.

Nakilala ang kanyang mga bata na sina, Richel Sison, driver, Lito Torda at Richard Borjal.

Ang sabi ni meyor, tutulong daw siya sa paglutas ng kaso at pag-aresto sa mga pinagbibintangan sa krimen.

Sa ipinakitang aksyon ni meyor, sana makamit ng pamilya ni Kap. Kiko ang katarungan.

Sa Lamitan, Basilan, inambus naman si Kapitan Jainudin Dulah, ng Brgy. Balas, Lamitan.

Sinuwerte man si kap, minalas ang suporter niyang si Jamrod Kuranding.

Nakatakda sanang dumalo sa isang kampanyahan si kap nang sila’y pagbabarilin.

Nauna rito, binaril sa harapan ng kanyang bahay si Kagawad Ariel Tolibas, 45,  alyas “Bebot” at “Bosing,” ng Purok Sto. Niño., Brgy. Indangan, Buhangin, Davao City.

Katatapos lang siyang mangampanya at nagpapahangin sa lugar nang may magkunwaring bibili ng yosi sa kanya.

Baril ang binunot ng dalawang killer saka ipinutok sa kanya.

Unknown, mga Bro, ang mga suspek.

Talaga namang mainit gaano man kaliit ang mga barangay na pinaglalabanan ng mga kandidato sa nasabing halalan.

At nadadamay rito hindi lamang ang mga pambarangay at pangkabataang kandidato kundi maging ang mga meyor.

Kasi naman, mga Bro, hindi totoong non-partisan ang halalang pambarangay at SK. Laging nakasabit dito ang mga munisipyo, maging ang maraming distrito ng mga kongresman.

Tingnan ninyo, kung ano ang kulay na dinadala ng mga mayor o kongresman, siya rin ang mga kulay na dala-dala ng mga kandidato at partido sa mga pambarangay at pangkabataan eleksyon.

Ang mga grupo sa barangay ang tiyak na maaasahan ng mga nakatataas na pulitiko sa oras ng halalan para sa mga ito.

Paano kaya pakawalan ang barangay at SK elections mula sa kamay ng mga malalaking pulitiko?

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply