Isabel Oli, awang-awa kay James Yap

AWANG-AWA pala si Isabel Oli kay James Yap dahil nga nali-link ito sa kanya. May mga reports na nakikita raw silang magkasama ni James at may mga nagpapalagay na sila na nga. Bukod pa yung regular na nakikita sa mga PBA games si Isabel kaya nga lumalakas ang implication na si James talagang pinupuntahan nito.

“Naaawa ako sa kanya na lahat na lang ng makausap niya, ili-link sa kanya, sabi pa ni Isabel sa isang reporter na nakausap niya.” Inamin nitong nagkita nga sila minsan ni James sa isang mall at nagkumustahan sila. Pero sabi ni Isabel, kasama niya at that time ang non-showbiz na regular daw niyang ka-date.

“Why kaya parang walang nakakita ng kasama ko that time? Para namang non-existent yung ka-date ko at kami lang ni James ang nakita ng nag-scoop noon. I was with somebody that time. Dahil magkakilala naman kami ni James, nagkumustahan lang kami and that was it.

“Nakakaawa na si James. I think he’s been through a lot lately, ‘tapos dagdag pa itong issue. He is a friend. We’re both Bisaya and I have been dating someone for the past year na, and you know that.”

Ikinuwento rin ni Isabel na totong regular siya sa PBA games. Mahilig daw talaga siya sa basketball kaya sinasamantala nitong gamitin ‘yung special pass na bigay sa kanya ng brother niya who works for a PBA basketball team.

“My brother works for Welcoat, that’s why we always have free tickets kapag naglalaro sila. And ako naman talagang mahilig and huge fan of basketball, kaya sumasama ako.”

Yun na!

RICO BLANCO, DI TYPE KASAMA SI KC CONCEPCION SA TRABAHO

HINDI pa rin pinababayaan ni Rico Blanco ang pagkanta kahit tinanggap niya ang teleseryeng ‘Imortal.’ Dinenay niya na may gusto siyang sundan sa ABS kaya  pumasok na rin siya sa larangan ng pag-arte. Hindi pa rin maiwasan na itanong kung willing ba siyang makatrabaho ang ex-girlfriend na si KC Concepcion.

“I’m not interested,” aniya.

Kahit mag-guest at mag-promote sa ‘Simply KC’ ay iniiwasan niya.

“There are many avenues naman how to market something.  I believe we have more than enough channels.  I don’t think that that’s needed.  If it’s up to me, I’d rather not,” deklara niya.

Bago pa humaba ang usapan kay KC ay hinatak na siya dahil may iba pa raw appointment.

Basta nagi-enjoy raw siya sa ‘Imortal’ dahil mababait ang mga kasama niya. Maalaga raw si Angel Locsin sa mga co-stars niya. Parang barkada raw na kakuwentuhan si Angel.

Hindi rin siya nai-intimidate kahit kaeksena niya ang magaling na actor na si John Lloyd Cruz.

Tsuk!

-0o0-

Samantala, muli na namang palaban ang bagong kasang “Pilipinas Win na Win” na kabilang muli sa top 15 programs nationwide noong Lunes (Oct 4) matapos pumasok ang mga hitmakers na sina Rico Puno, Marco Sison, Rey Valera, at Nonoy Zuniga bilang hosts.

Ito ay ayon sa Kantar Media/TNS, ang nangungunang market research group sa buong mundo na at naghahatid ng audience research measurement systems sa 32 bansa. Nagsimula itong maglabas ng datos para sa national television audience measurement (NUTAM) noong Feb 2009 at may panels, na binubuo ng 1,370 representative households, sa sumasakop sa urban Philippines at nag-uulat sa pitong sektor— NCR, Suburbs, North Luzon, Central Luzon, South Luzon, Visayas at Mindanao.

Lumipat ang ABS-CBN sa Kantar Media/TNS matapos magsampa ang network ng kaso laban sa AGB Nielsen Media Research sa hindi nito pagsunod sa hinihiling na imbestigasyon sa diumano’y pandaraya at pagmamanipula ng datos sa kanilang TV ratings.Nakabinbin pa rin ang kaso sa korte hanggang sa kasalukuyan. Roldan Castro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply