Itay itinumba ng anak

DEAD on arrival sa pagamutan ang 60 anyos na ama matapos barilin ng kanyang anak nang pag-bawalan niya itong pagla-ruan ang baril sa harap ng kanilang mga kamag-anak sa Laoag City.

Ang biktima na agad binawian ng buhay ay nakilalang si Ireneo Harillo, 60, habang ang suspek na agad tumakas ay ang anak nitong si Ricky Harillo, mga residente ng Ba-rangay 19, lungsod ng Laoag.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, dumating ang ilang kamag-anak ng mag-ama mula sa Pangasinan at habang inaasikaso ang mga ito ng biktima ay dumating ang suspek na lasing at ipinakita nito kung papaano niya paglaruan ang dalang baril.

Agad namang sinaway ng biktima ang anak ngunit ikinagalit ito ng huli.

Matapos na sabihan ang anak ay tumalikod na ang biktima at nagtungo sa kusina upang ikuha ng pagkain ang kanilang mga bisita. Subalit sinundan ito ng suspek at pinaputukan ng ilang beses saka ito tumakas.

Tinangka pang isalba ng kanilang mga kamag-anak ang biktima ngunit hindi na ito umabot nang buhay sa pagamutan. Evelyn Garcia

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply