Iverson tinanggihan sa NBA

HINDI nakatanggap ng training camp invitation si Allen Iverson sa alinmang team ngayong season.

Ngunit inaayos na ang agreement niya sa Turkish team Besiktas kung saan maaaring lalagda siya ng one-year contract na magbibigay sa kanya ng $2 million kasama ang bonuses.

“We are in very serious negotiations with [Besiktas],” ayon sa business manager ni Iverson na si Gary Moore.

Naipadala na rin umano ng Besiktas ang kontrata nito kay Iverson at maaaring malagdaan ito ngayong linggo at may sampung araw siya para isapinal ang deal.

Una nang kinukuha si Iverson ng China ngunit hindi ito natuloy. Gilbert Perdes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply