Iza Calzado di naniniwala sa kasal

KAYA pala hanggang ngayon ay hindi pumasok sa isip ni Iza Calzado ang mag-asawa  dahil di siya masyadong bilib sa kasal.

“Hindi siya (kasal) importante. Mas naniniwala pa ko sa relationship na hindi nagpakasal pero tumagal hanggang kamatayan. Parang mas importante sa akin yun kaysa makita yung nagpakasal nga pero hindi naman nagtagal ang pagsasama. Look at Oprah (Winfrey) di ba?

“I mean I don’t have her assets, but I just believe siguro in the whole concept of partnership rather than marriage that binds people in some way I don’t know,” dagdag pa ni Iza.

Pero hindi naman daw niya totally isinasantabi ang idea na puwede siyang ikasal.

“I hope one day I`d get married, I hope. Pero hindi ko siya mamadaliin. Ano para lang masabi na ikinasal ako, puwede ba?

Hindi rin sure si Iza kung gusto niyang magkaroon ng sariling anak at kung sakaling dumating ang time na mahirapan na siyang magbuntis dahil puwede naman daw siyang mag-adopt.

Paano kung mag-propose sa kanya ang non-showbiz boyfriend na si Atticus King?

“Eh, di maghintay siya, Hindi pa panahon, may Beauty Queen (bago niyang teleserye sa GMA 7).

Sa bagong teleserye ni Iza ay nakipagtalbugan siya ng pagsu-suot ng two piece kina Katrina Halili at Margie Wilson.

First time siyang napapayag magsuot ng very revealing swimwear na siyang isinusuot ng mga sumasali sa beauty contest.

“Medyo nailang pa ako sa pagsu-suot ng swimsuit, Salamat at maganda naman ang kinalabasan ng eksena, Marami pa akong dapat gawin exercise para maging fit ang katawan ko,” say ni Iza.

MGA NALAGLAG SA STAR FACTOR, NAG-IYAKAN

Grabe ang tension sa taping ng “Star Factor” may nag-iiyakan dahil natsugi at mayroon din naman masayang-masaya dahil nananatili pa rin sila sa contest..

From 18 Hopeful Star Factor contestant naging 15 at ngayon ay 12 na lang silang natitira sa reality artista search ng TV5.

Sa taping ay napag-alaman namin na nagpasaringan ang dalawang bagets na babae contestant ng Star Factor na parehong magaling sumayaw.

Dahil sa sulsol ng mga kasamang Hopeful kaya lumaki ang away ng dalawa at buti na lang may mga kasama rin sila na gumawa ng paraan para sila magkabati.

Ipinakilala sa press ang natirang 12 Hopeful contestant na tinawag nilang 12 Shining Star Factor.

Sa pakikipag-tsikahan namin sa 12 Shining Star Factor, napag-alaman namin na may kanya-kanya na rin silang crush.

Tsika ng production people ng Star Factor nahihirapan daw ang limang hurado sa pagpili kung sino ang dapat matanggal at matira.

Pero nangako naman ang production manager ng Star Factor na may ibabalik silang Star Factor na natanggal na karapat-dapat maibalik sa contest. Kaya may pag-asa pa ang matsu-tsugi na makabalik at maging kauna-unahang Star Factor winner ng TV5.

Pahabol pa ng production people ng Star Factor na kahit nagtatalo ang mga hurado na nauwi nga sa pagwo-walk-out ni Annabelle Rama dahil natsugi ang gusto niyang contestant ay nagkakasundo-sundo pa rin sila sa bandang huli.

***************

Speaking of maintaining sexy figure ng mga artista. Nagulat kami sa kaseksihan ni Carla Varga na nagsimula ang showbiz career noong 80`s. Maganda at seksi pa rin siya nang makausap namin sa Starbucks Tomas Morato kamakailan.

May isang anak na siya sa Japanese businessman husband na hanggang ngayon ay sinasamba pa rin ang kaniyang kaseksihan dahil parang walang ipinagbago.

“Kailangan kasi habang nagkaka-edad ka ay patuloy ka mag-exercise at maging maingat sa mga kinakain.Hindi ako umiinom ng alak, paminsan-minsan kapag may okasyon, Tamang oras ng pagtulog at importante ay clean living,” say ni Carla na parang hindi nadagdagan ang edad.

Hindi uso ang mga retoke nang pasukin ni Carla ng showbiz kaya naman buong pagmamalaki niyang iniyugyog sa amin ang kaniyang original na malusog na dibdib.

Maganda na ang buhay ni Carla, Buhay reyna na nga siya ngayon sa piling ng Japanese husband pero kahit anong gawin daw niya ay hinahanap-hanap pa rin niya ang showbiz.

“Na-miss ko talaga ang showbiz kaya eto ako muli na nagbabalik. Payag naman ang husband ko na magbalik showbiz sa kundisyon na hindi ko mapapabayaan ang aming naipundar na negosyo,” say ni Carla.

Ang first movie ni Carla ay “Digmaan Sa Pagitan ng Langit at Lupa” directed by Tony Reyes at last movie niya bago siya nag-quit sa showbiz ay “Isla Grande” directed by Ding Pascual.

Tumigil siya sa showbiz para tapusin ang pag-aaral sa college and graduated in Banking and Finance. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply