Jai-alai sa Cagayan lulusawin ni Miriam

NAIS  nang lusawin ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang operasyon ng “jai-alai” sa lalawigan ng Cagayan upang masugpo ang iligal na operasyon ng “masiao” sa Kabisayaan at Mindanao.

Inihayag ni Santiago na magagawa ito kung tatanggalin sa Philipppine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) ang pagbibigay ng prangkisa sa lahat ng uri ng laro na siyang pinag-uugatan ng iligal na pasugalan tulad ng masiao.

Base sa Senate Bill. No. 1480, sinabi ni Santiago na walang kapangyarihan ang Pagcor na magbigay ng prangkisa.

Aniya, tanging ang sangay ng lehislatura lamang ang siyang may karapatan gawin ito alinsunod sa itinakda ng Saligang Batas.

Kaya’t nararapat na umanong putulin ang ganitong pagkilos ng Pagcor, na bukod sa wala sa kanilang karta ang naturang gawain ay sinasaklawan nito ang tungkulin at kapangyarihan ng Kongreso.

“The proposed legislation will settle with finality the issue of authority of Pagcor to operate and manage jai-alai games,” sabi ni Santiago. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply