James Blanco, buhay-hari sa piling ng super rich gay benefactor?

NAGING laman ng mga blind item ang dating sikat na young actor na si James Blanco na dating alaga ni Arnold Vegafria. Ayon pa sa chika, kahit na hindi na raw tumanggap pa ng raket sa showbiz itong si James ay magbubuhay-hari pa rin ito sa piling ng kanyang super rich na gay businessman benefactor.

Yes, bukod daw sa iba’t-ibang mamahaling luxury cars na ibinigay kay James ng mayamang bading na karelasyon, ay pinatayuan pa raw ang actor ng isang hotel na naka-pangalan sa kanya. At para hindi na raw kumibo pa o mangialam sa kanilang bawal na relasyon ang non-showbiz wife ni James ay niregaluhan rin ito ni millionaire gay ng negosyong pagkakaabalahan.

Hindi naman diretsahang sinabi sa naturang blind item na tanggap na nung girl ang relasyon ng mister na actor doon sa very generous na gay benefactor nito. Well, aaminin naman kaya ni James ang isyung ito na ikinakabit sa kanya? Just asking!

***

BOSSING VIC SOTTO, TINUTUTUKAN NG MGA BARANGAY SA “JUAN FOR ALL….”

Araw-araw ay pawang excited na ang mga residente sa iba’t-ibang mga Barangay na nag-aabang sa announcement ni Bossing Vic Sotto mula Broadway studio kung sino ang tatawagan sa cellphone para manalo ng 25,000 plus other prizes sa “Juan For All, All For Juan” Sugod-Bahay sa Barangay. Ang wacky tandem na sina Wally Bayola at Jose Manalo ang mismong maghahatid ng perang ito at sari-saring mga Papremyo sa naka-schedule na barangay na pupuntahan nila. Kaya’t wala talagang kumukurap kapag babasahin ni Bossing Vic ang pangalan ng nabunot nila sa public service portion nilang ito sa Bulaga.

Aside sa 25,000 para sa residenteng sinugod ang bahay nina Wally at Jose. Daily ay apat pang mga residente nito ang magwawagi ng 10,000 each. At lahat ng mga hindi nanalo na umaabot sa
bilang na 95 nating mga kababayan ay may cash ding matatanggap bawat isa mula sa favorite natin at number one and longest-running noontime variety show na Eat Bulaga! Peter Ledesma

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply