Jason Abalos at Kim Chiu, aprubado sa lead actress ng ‘Ishmael’

Maugong na maugong na ang pinopormahan ngayon ni Jason Abalos ay walang iba kundi si Kim Chiu yaman din lamang at naghiwalay na ng landas ang batang aktres at si Gerald Anderson.

Nakipag-break na rin si Jason sa kanyang matagal nang kasintahan na si Bela Padilla dahil hindi sila bagay sa isa’t isa sa maraming bagay kaya naglakas na sila ng loob na maghiwalay.

Kaya libreng-libre na ngayon si Abalos sa panliligaw.

Panay umano ang text ni Jason ng matatamis na salita kay Kim, isang bagay na madalas gawin ng aktor sa kanyang mga tinitingalang pugad.

At dahil iisa lang ang sirkulo na iniikutan nina Chiu at Abalos at ang mga barkada nila ay pare-pareho, laging nagkakasama ang dalawa at sa tingin ng kanilang mga kaibigan, made-develop ang mga bagets sa kanilang damdamin.

Panay ang gimik nila dangan nga lamang at limitado lang ang mga lugar na kanilang pinupuntahan at kasama pa nila ang mga taga-Star Magic.

Walang hilig sa tambay-tambay na pampubliko si Jason kundi sa iisang lugar lang siya nagtutungo kasama ang direktorang si Malu Sevilla.

***

Boto naman ang ka-love team ni Jason sa Cotton Club bilang image model na si Ria Garcia sa tambalang Jason-Kim kahit sa tunay na buhay.

“I think maganda po ang chemistry nila,” sabi ni Ria na bida na sa pelikulang “Ishmael” ng Cinema One Originals at ipapalabas na sa November.

Tanging aktres si Garcia sa “Ishmael” na pinagbibidahan nina Ronnie Lazaro, Mark Gil, Dan Alvaro at Pen Medina sa direksyon ni Richard Somes.

Bilang magka-image model, binabantayan ni Ria ang love life ni Abalos.

“Kasi po, nagkasama na kami nang matagal ni Jason. Kahit sa ABS-CBN, nagkasama na kami kaya maganda na may alam din ako sa kanya,” sabi pa ni Ria.

***

Gaano katotoong nanligaw din si Abalos kay Jessy Mendiola?

Talaga anang mga tagapag-obserba na matinik sa chicks si Jason at tatahi-tahimik lang pero matindi ang dating sa mga babae.

Malamang kaysa hindi ay binabalakan ng ABS-CBN ng tambalan sina Jason at Kim at pareho namang may ibubuga ang dalawang bagets stars.

Ipinauubaya na nga ni Gerald si Kim kay Jason bilang espesyal na babae sa kanyang buhay.

May sarili na ring love life si Anderson at ayon sa kanya, inaari niyang magandang karanasan ang nangyari sa kanilang buhay-pag-ibig ni Chiu.

***

Hinainan ng Bureau of Internal Revenue ng P540 milyon na tax case ang kontrobersyal na direktor na si Carlo J. Caparas sa hindi ayon sa ahensiya pagbabayad ng filmmaker ng kanyang mga buwis.

Nang dahil dito, matiyaga naming tinatawagan si Carlo at ang kanyang misis na si Donna Villa para malaman ang kanilang panig sa isyung ito pero wala pa hanggang ngayong tugon ang mag-asawa.

***

Nais ng isang film producer na pagsama-samahin sa isang pelikula ang mga pamosong manghuhula sa showbiz na sina Madam Suzette Arandela, Bro. Arman Cuban, Madam Auring, Rene Mariano, Madam Rosa, Danny Cinco, Anthony Taylor, Niño Ponti, Maricel Gaskell at marami pang iba sa pelikulang pinamagatang “Sa Mundo Kung Saan.”

Pero tentatibo pa lang ang pamagat ng pelikula pero tiyak na intresante ang proyekto at kuwentong ito. Boy Villasanta

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply