Jericho Rosales, Kristine Hermosa sikat sa Malaysia

HALOS lahat ay nagsasabing sila ay sikat na sikat sa ibang bansa, lalo na sa Malaysia at Indonesia at iba pang bansa sa Asya.

Na kesyo sila ay bumibenta nang malakas sa mga Asian countries bukod sa Pilipinas.

Pero pinatutunayan ni Maggie Trinidad, isang contract artist ng Mamarazzi Entertainment, na popular na popular ang magkatambal na sina Jericho Rosales at Kristine Hermosa sa mga Malaysian lalo na sa mga mahiligin sa soap opera.

Ipinalalabas sa Malaysia ang kanilang teleserye kaya sikat na sikat ang mga bituing ito.

“They are idols of the Malaysians. Nang pumunta ro’n si Jericho , naku, pinagkaguluhan siya. I was also there. Nakikaway lang ako pero hanggang do’n lang. “Kasi, hindi naman niya ako kakilala. Pero superstar siya sa Malaysia . Nakaka-touch,” kuwento ni Maggie na humigit-kumulang sa sampung taong namalagi sa Kuala Lumpur at sa iba pang bahagi ng Malaysia.

“Name it, all the hotels, I was practically everywhere there,” pahayag ng mahusay na singer na naglabas ng CD na “Back Home” kamakailan.

***

Inamin din niyang sikat na sikat si Christian Bautista sa Malaysia at parang hotcake ang pagbenta ng kanyang mga CD ro’n.

“He sings Bahasa Malay and his records are very in demand,” pahayag ni Trinidad.

Ito rin ang nais na mga yapak na sundan ni Maggie.

“I want first to record and release my songs here in the Philippines and later, I would want to record in Bahasa Malay,” pagpapatunay ng mang-aawit.

May binigyan din siyang interprestasyon sa dalawang kanta ng nasirang si Paola Luz, ang “Hoy Mr. Ligaw Tingin” at “Sumigaw Ka Na Lang” dahil kung hindi namatay si Paola,  pumailanglang pang lalo ang mga piyesang ito.

SID LUCERO NAGHAHANDA PARA SA EMMY AWARDS

Naghahanda na si Sid Lucero para sa kanyang paglaban sa Emmy Awards para sa kanyang pagganap sa “Dahil May Isang Ikaw” ng ABS-CBN sa Amerika.

Siya lamang ang nominado sa lahat ng mga lalaking bida sa soap opera kaya nakasuporta sa kanya ang Channel 2.

Ipinagmamalaki rin siya ni Mark Gil, ang kanyang ama sa karangalang ito.

Nagkasama na sa wakas ang mag-ama sa isang programa ng ABS-CBN at ayon kay Mark, nailang sila sa isa’t isa sa harap ng kamera.

“But later on, nakabawi kami. Imagine, a father and son in real life were together for the first time. Akala ko, matagal pa kaming magkakasama sa show pero biglang-bigla. It was an acid test,” pahayag ni Gil.

Anak ni Mark si Lucero sa beauty queen na si Bing Pimentel.

***

Naghiwalay na ng landas ang magkasintahang sina Jason Abalos at Bela Padilla.

Matagal ding magsyota ang dalawa pero ngayong nasa GMA Network na ang bagong aktres, nakatutok pa rin si Jason sa kanyang pagiging contract star ng ABS-CBN Star Magic.

Mukhang ang ipapareha sa kanya ay si Kim Chiu at may namumuong ugnayan ang dalawa batay sa pahayag ni Abalos sa kanyang mga panayam.

Modelo pa rin ng Cotton Club si Jason kasama si Ria Garcia na galing ding Star Magic.

May pakulo sina Abalos at Ria na papremyong motorsiklo sa mga gumagamit ng kanilang produkto.

Sinabi ni Jason na itinuturing niyang nakababatang kapatid si Garcia na inilulunsad na ng isang major movie company sa bansa sa isang pelikulang hahamon sa kanyang kakayahan.

Mas pinili nga ng kumpanya si Ria sa mga pinagpiliang sina Marcedes Cabral at Mara Yokohama, ang anak ng premyadong aktres na si Maria Isabel Lopez. Boy Villasanta

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply