John Lloyd ibinuking ni DJ MO sa madalas na pagtawag kay Ruffa

SI RUFFA Gutierrez mismo ang nagbuking sa Paparazzi last Sunday na galit na galit daw si John Lloyd Cruz kay Mo Twister dahil sa pagbubuking nito on air na lagi pa ring tumatawag ang aktor sa kanya. Mahilig kasing basahin ni DJ Mo ang mga text messages sa celphone ni Ruffa at wala itong pakialam na bino-broadcast ito on air.

Nang tanungin namin si Mo kung takot ba siya kay John Lloyd, isang matunog na, “Hindi!” ang isinagot niya sa amin. Hindi raw niya uurungan si JL sakali mang maghamon ito nang away sa kanya. Basta ang sinasabi lang daw niya on air ay totoo. Hindi siya nagpa-fabricate ng news.

Sabi pa ni Mo, huwag na lang daw tumawag si JL kay Ruffa kung ayaw nitong natsitsismis sa ex-GF nito. Pero depensa naman ni Ruffa, they have remained as friends naman daw kahit naghiwalay na sila ni Lloydie.

Baka naman kaya nagagalit si JL ay dahil nagre-react si Shaina Magdayao sa mga nire-reveal ni Mo on air. Di kaya?

Live na nag-guest si Joseph Bitangcol sa Paparazzi last Sunday at doon naman napag-alaman na wala na pala siya sa management ni Manny Valera. Nagpa-release na raw siya dito at ngayon ay naghahanap siya ng bagong manager. Sa ngayon ay si Cristy Fermin ang tumutulong sa kanya.

Napag-alaman pa namin na na-stroke lately ang father ni Joseph at medyo hirap ngayon ang pamilya niya sa pagpapagamot dito dahil wala siyang mga projects lately. Buti na lang at nandiyan ang mga tunay niyang mga kaibigan tulad ni Jason Abalos na nagpa-utang sa kanya. Parehong resulta ng SCQ (Star Circle Quest) sina Joseph at Jason although mas nauna ang batch ni Joseph kaysa kay Jason.

Naitanong din namin kay Joseph ang tungkol sa naging controversial revelations ni Keana Reeves tungkol sa mga artistang nakatsuktsakan nito at nakasama nga ang pangalan niya sa list. Ano ang reaksyon niya dito?

“Never akong pumunta sa condo niya. Siya ang pumupunta sa bahay namin. Madalas nga niyang biruin noon si Mama na kesyo bibigyan daw niya ako. Patawa-tawa lang si Mama.

“Magkasama kasi kami noon sa teleseryeng ‘Margarita’ ni Wendy Valdez sa ABS-CBN. Matagal din kami nagkasama sa show. At madalas niya akong yayain sa kotse niya para mag-do pero hindi ako pumapayag. Madalas din niya akong hipuan kaya siguro alam niya ang size nung sa akin dahil madali lang naming mag-react ang batutoy ko.

“Naalala ko kamuntik na nang may nangyari sa amin nung nalasing ako. Buti na lang na-save ako ng friend kong si Rafael Martinez na siyang naghatid sa akin pauwi nang bahay,”natatawang kwento ni Joseph.

***

Sa totoo lang ang ganda ng katawan ngayon ni Lance Raymundo and he’s thanking Vigen BodyCare (located at 220 Wilson St, San Juan) for it. Dahil sa non-invasive and non-surgical slimming programs ng Vigen ay nawala lahat ang mga unwanted fats sa kanyang katawan na hindi nakukuha ng workout lang sa gym. From 150 lbs ay 138 lbs na lang ngayon si Lance at ang waistline niya ay lumiit mula sa 33” to 29” kaya lalong naglitawan ang kanyang abs.

Naloka kami nang malaman naming ang daming ibang artista ang pumupunta sa Vigen para magpa-slim. Isa na dito ang kilalang sexy actress na bumili pa ng slimming machines sa Vigen para sa bahay nito gamitin. Hindi pwedeng ipangalanan ang aktres dahil endorser ito ng ibang beauty clinic.

Isang Koreana, si Ms. Judy Ho, ang may-ari ng Vigen BodyCare na nagsimulang mag-operate noong 2007. Sa pagpasok ni Lance bilang celebrity endorser nila ay lalong lumakas ang kanilang negosyo. Ang kanilang slimming machines at products ay nanggaling pa sa Sweden. Mas effective pa raw na endorser si Lance kaysa sa international star na si Rain na kapwa niya Korean. O di ba?

Si Ricky Gallardo na ang nagma-manage ngayon kay Lance at balak siyang ipasok nito sa GMA. Sa ngayon ay may offers sa kanya na gumawa ng mga sexy indie films pero pinag-iisipan pa niya. Hindi pa raw niya carry sa ngayon ang mga gay roles tulad na ginagawa ni Sid Lucero.

***

Sina Chariz Solomon at Kevin Santos ang special guests ng Bubble Gang this week. Kasama sila sa Tanim Ng Sama Ng Loob gags at Puro Bucket sketch. Sa mga sports enthusiasts nandiyan ang Boxing Corner at Martial Arts Na Pang-Macho. Alamin kung mapapang-abot ang Tatlong Lasing at Mayamang Stuntman. Inaabangan ang regulars na Ba’t Ganun, Cheche Bureche at Moymoy (all the small things) kaya Sure Bubble tayong lahat!  Tonee Coraza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply