John Lloyd, Shaina pumasok sa bakuran ng Siyete

GUSTONG-gusto namin ang kanta ng mga OPM legend “Hitmakers” na sina Rico J. Puno, Rey Valera, Marco Sison at Nonoy Zuñiga bilang mga bagong hosts ng Pilipinas Win na Win.

Mukhang may future ang co-hosts ng PWNW na sina Valerie Concepcion, Janelle Jamer, Pokwang at pansinin si Gee Canlas dahil sa pagiging “speed talker.”

Happy kami na nagbabalik-telebisyon sa noontime show hosting si Janelle na nanalo dati bilang Best Female TV host ng Star Awards for TV. “Na-miss ko ito! Siguradong magiging masaya tayo tuwing hapon!,”aniya. Isang magaling din na singer si Janelle kaya inaasahang maganda ang pakikipag-jamming nito sa “Hitmakers.”

Promising ang segment na Hit the Hits ng PWNW.Katuwa rin pag nagbabatuhan ng jokes sina Rico at Pokie. Pero, parang boring ang segment ng hari at reyna ng emote ng PWNW….may kulang o nangangapa pa?

Yun na!

-0o0-

Marami ang nagulat dahil tumapak sa GMA 7 si John Lloyd Cruz.

Sorpresa siyang dumating kasama si Shaina Magdayao sa ‘Walang Tulugan’ para bumati  sa kaarawan ni Kuya Germs.

Alam nating lahat na sina Shaina at John Lloyd ay parehong exclusive contract artists ng Star Magic ng ABS-CBN 2. Pero dahil nga halos anak na ni kuya Germs si Shaina at ang nakatatandang kapatid nitong si Vina Morales, dumating si Shaina kasama ang nobyo.

Magkahawak-kamay na lumabas mula sa backstage sina Shaina at John Lloyd para batiin ang may kaarawan.

Samantala, ayon kay Shaina, nagpaalam sila (sa Star Magic) at pinayagan naman para makadalo sa espesyal na okasyon sa buhay ng Master Showman.

“Mahal ka po namin doon sa kabila!,” sey ni Lloydie na  napapanood na ngayon sa seryeng ‘Imortal’ kasama ang Primetime Queen na si Angel Locsin.

Sa pagtatapos ng naturang segment, nagbigay ng pahayag si Kuya Germs patungkol kina John Lloyd at Shaina na huwag maniwala at magpapadala sa mga pag-iimbento ng ibang tao na hindi tama ang ginagawa.

Tsuk!

-0o0-

Gumanda ang ‘E Live’ sa pagpasok ni Ogie Diaz. Nakita namin ang pagbabago at mas  gumanda ang show. Hindi siya nagmukhang  ‘press release’ talk show.

Pero parang naliligaw sa show si Cesca Litton at nagugulat sa mga punchline ni Ogie. Kung sabagay, first time lang naman nilang magsama-sama. Baka sa susunod ay hindi na sila natutulala pag nagpa-punchline si Ogie at nagbabalita. Baka nagkapaan lang kahit nag-bonding na raw sila bago nagsimula ang pagsama-sama nila nu’ng Sabado.

Sa ‘E Live,’ finally ay umamin din si Luis Manzano na may konting tampo kay  Mariel Rodriguez. Sa nabasa raw niya sa isang online article, kalahati raw dun totoo, ‘yung kalahati ay half lie.

Pero kung ‘yung mga nakaka-isyuhan daw ni Mariel ay piniling manahimik gaya nina Toni Gonzaga, Anne Curtis at  KC Concepcion,  sino naman daw siya para mang-ungkat ng isyu.

Klinaro lang niya ang pangalan ni Robin Padilla.

“May sumulat kasi na tumawag sa akin si Binoe na medyo confrontational at sindakin ako. Once and  for all never kaming nag-usap ni Binoe. At ‘yung iba ay sa amin na lang ‘yun,” sambit niya.

Aminado si Luis na may nagbago kung ang pag-uusapan ay tungkol sa samahan nila ni Mariel.

Anyway, mapapanood si Luis sa launching movie ni Vice Ganda na ‘Petrang Kabayo’ na palabas na sa October 13.

‘Yun na!

-0o0-

Suportado ng kaibigan at dating co-host sa Wowowee na si RR Enriquez ang desisyon ng kaibigang si Mariel Rodriguez na magpakasal na kay Robin Padilla. Naintindihan raw niya na na-inlove lamang ang kaibigan.

Bilang kaibigan, alam naman daw niya ang kaganapan sa buhay ng TV host. Alam niya  ang dahilan kung bakit umalis ito sa ‘Pilipinas, Win na Win’ ay para sundan si Robin sa India pero clueless siya na balak na pala nitong magpakasal.

Ngayon lamang naman daw niyan nakitang naging masaya ng sobra si Mariel. Pag dumadalaw kami sa taping ng ‘Banana Split’ lagi naming tinatanong si RR kung sasama ba siya kay Willie Revillame kung aalukin siya. “Feeling ko naman hindi niya ako kukunin.  Pero if ever kunin niya ako, ayoko talaga.  Loyal ako sa ABS-CBN. Mas happy ako dito.  Kung mawawala ako sa showbiz, gusto ko maalala ako ng mga tao na taga ABS-CBN. Hindi dahil ayoko kay Kuya. Mananatili siyang Kuya sa puso ko dahil  siya ang nagbigay ng break sa akin ,” aniya.

Hindi rin siya nakikialam sa gap nina Pokwang at Willie.

“Alam ni Pokie na nung nagkaroon sila ng gap ni Kuya, hindi ako nakisali sa kanila. Tahimik lang ako. Alam kong may problema sa kanila pero hindi na ako nakigatong. Hindi ako nakikibalita.  Kung may nagsasabi lang sa akin, dun lang ako may nalalaman.  Wala akong pakialam,” sey pa niya.

Bukod sa ‘Banana Split’ na napapanood tuwing Sabado, 11 p.m.  at ‘Banana Split Daily Servings, 9:30 a.m. may bago siyang show sa Studio 23 titled ‘Pa-Bida Ka’. Roldan Castro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply