Joshua Dionisio pasaway na?

PASAWAY na raw si Joshua Dionisio. Lumaki na raw sobra ang ulo nito dahil sa magkakasunod ang TV hits niya.

“Natatawa lang po ako sa balitang ‘yan kasi di naman totoo,” sangga niya. “When I’m not needed on cam, I just stay in our tent to study the script. At hindi po ako puwede maging pasaway as my mom is always with me to call my attention kung nagiging magulo ako or unprofessional.”

Is he on package deal with Barbie Forteza? Lagi raw kasi silang magkatambal. “Tween Hearts” is their fifth TV show together and they’re now also in the cast of the filmfest entry “Agimat ni Enteng.”
“Siyempre we welcome the time na bibigyan kami ng chance to work with other partners. But as of now na gusto pa naman ng tao ‘yung chemistry ng love team namin, okay lang sa amin na lagi kaming magkapareha kasi sanay na kami sa isa’t isa.”

Kasundo ba niyang ibang GMA 7 stars?

“Masaya po kami kasi parang barkada kami sa set, not rivals. May kanya-kanya kaming kuwento at pantay-pantay po ang roles namin kaya walang inggitan kahit sa exposure.

Sa episode namin this Sunday, lahat kami  dadalhin sa boot camp at magkakaroon kami ng iba’t ibang conflicts and experiences, but these will help us grow to be better persons. Maganda po ang values na itinuturo nito sa kabataan kaya dapat lang panoorin ng teen viewers at marami silang matututuhan.” Cesar Pambid

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply