Jueteng network nina “RR” at “Bolok” sa Caloocan

DALAWANG jueteng network ang namamayagpag ngayon sa Caloocan City at apat na beses kada araw ang bolahan ng pesteng sugal.

Ayon sa ating police source, si Bolok Santos ng Marikina ang isa sa mga nasa likod ng jueteng network sa lungsod na may tatak na “Central” habang ang kabilang network naman ay may tatak na “RR.”

Alam n’yo ba kung ano itong “RR”?

‘Yan ay mga inisyal ng mga pangalan ng dalawang matataas na opisyal ng lungsod ng Caloocan. Lakas ng loob ng dalawang kumag na opisyal na ito ng lungsod.

Nagmu-moonlighting pa kayo bilang jueteng operators, ha?

Kaya pala malakas magbigay ng “delihensiya”” sa media ang pamunuan ng lungsod ng Caloocan ay dahil may itinatagong bulok ang dalawa sa mga matataas na opisyal ng lungsod.

Ang nabunyag na jueteng operations sa Caloocan City ay ga-bundok na salungat sa naging pahayag ni Mayor Recom Echeverri na matagal ng walang jueteng sa kanyang siyudad.

Hindi man lamang daw natinag o tumigil kahit isang araw ang mga jueteng lords na ito sa pagpapataya nila ng illegal numbers game sa Caloocan sa kabila pagdedeklara ni Philippine National Police chief General Raul Bacalzo ng “all-out war” kontra jueteng.

Maging ang ginawang pagpapasabog ng expose ni Senator Miriam Defensor-Santiago ay tinawanan lang daw nitong sina “RR” at Santos dahil gusto lang daw ng butihing senadora na magpapansin.

Ganon pala ha? Mantakin nyo, ang Caloocan ay bahagi ng National Capitol Region kung saan labis na pinaghigpit ng pulisya ang kampanya laban sa illegal gambling nguni’t lumalabas na ginagawa nilang “tanga” ang pamunuan ng PNP!

O baka naman totoo nga ang akusasyon ni jueteng whistle-blower Sandra Cam laban kay Gen. Bacalzo?

Ayon sa source natin, alam nina Caloocan City Police Chief Colonel Jude Santos at Colonel Bong Dimalanta, hepe naman ng Caloocan City Police-North (Bukid Area) ang tungkol sa kasalukuyang jueteng operations nina Santos at RR ngunit kataka-takang hindi kumikilos ang mga ito. Ayos ba tayo diyan, mga sir?

Tinatayang umaabot sa P2 milyon ang daily kubransa sa Caloocan ng dalawang jueteng network na ito.

Isang alyas “Atoy” ang namamahala ng pa-jueteng na Central sa Bukid Area samantalang isang “Galgana” naman ang manager nito sa city proper.

Samantala, ibinulgar din na isang PO3 Lito Aguas umano ang nagsisilbing payola collector sa jueteng at ibang uri ng iligal na sugal sa CAMANAVA area.

Kung sino ang dalawang kumag na nasa likod ng inisyal na “RR” ay sasabihin ko sa inyo sa susunod. Balita ko’y parehong babaero ang mga kumag na ito.

Mayor Recom Echeverri at City Administrator Russel Ramirez, kilala n’yo ba kung sino ang nasa likod ng “RR” jueteng network diyan sa pinaglilingkuran n’yong lungsod?

Nagtatanong lang po!

* * * * * * *

CLUB BONJING SA SA CALOOCAN PA RIN!

Lintek daw ang “gimikan” sa loob ng Club Bonjing & KTV Bar na matatagpuan sa 10th Avenue sa Caloocan City.

Wala ka ngang “bold show” na makikita sa loob pero iba may kakaibang “gimik” naman daw na nagaganap sa loob ng mga VIP rooms nito.

Hanep daw sa ganda ng mga “chi-ching” ang Club Bonjing kaya walang kaduda-duda kung bakit malimit daw makita bilang pa;rukyano sa loob ng nasabing establisimento ang isa sa mga matatas na opisyal ng pamunuang-lungsod ng Caloocan!

Sobra daw kasing manyakis nitong si sir kaya kahit buking siya bilang city official ay okay lang sa kanya na makita siya sa loob ng club!

* * * * * * *

Anumang reklamo, komento o suhestiyon, text o tawag lang sa 0927-9117770 o e-mail lang sa boyetmunar@yahoo.com at malugod ko kayong paglilingkuran! Boyet Munar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply