K+2 ni PNoy, anti-poor – Vicente Sotto

ITINUTURING  ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III na anti-poor o hindi maka-mahirap ang ipatutupad na programa ng Department of Education ng administrasyong Aquino partikular ang pagdadagdag ng 2 taon sa primarya at sekondarya.

Ayon kay Sotto, mas kakayanin ng mayayaman ang gastusin sa dagdag na 2 taon sa edukasyon kaysa mahihirap na nagkukumahog sa paghahanap ng panustos sa kanilang mga anak di tulad ng may-kaya na walang problema sa panggastos.

“Kung dadagdagan natin ang bilang ng taon sa highschool, mas lolobo ang bilang ng mga dropouts at tuluyan nang mawawalan ng pagkakataon ang kabataan na makatungtong sa kolehiyo. Mauunahan ng mayayaman ang mahihirap na kabataan. Hindi maka-mahirap ang panukalang ito sa ating edukasyon,” giit ni Sotto.

Sa kanyang paliwanag, sinabi ni Sotto na negosyo lamang ang pagdadagdag ng 2 taon sa pangunahing edukasyon na papakinabangan lamang ng mga negosyante at hindi ng mamamayan.

“Sa panahon ng ating mga magulang at mga lolo at lola, mayroon silang dalawang taon sa Associate in Arts, tapos dagdag na 2 taon sa Bachelor of Arts degree. Ang yet, the additional two years did not produce better quality students that during the time of our elders,” giit ni Sotto.

Naniniwala pa si Sotto na mas lalong dadami ang school dropouts sa panukalang dagdagan ng 2 taon ang basic education. “ Of 100 students in grade one, something like 65 survive to grade six.  Of these 65 five, about 30 will survive to fourth year high school.” Ernie Reyes

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply