Ka-‘closet’ ni PNoy dedma kay Joker

WALANG panahon ang Malakanyang para patulan ang patutsada ni Sen. Joker Arroyo sa mga miyembro ng gabinete at advisers ng Pangulong  Aquino .

Ang katuwiran ng Malakanyang ay mas maraming tao ang naniniwala sa kakayahan ng Pangulong Aquino at iyon ang kanilang pinanghahawakan.

Nauna nang sinabi ni Sen. Arroyo na hindi karapat-dapat bigyan ng rating ang mga tagapayo ng Pangulo dahil sa kanilang kapalpakan.

Nilinaw ng senador na  mas na hinintay pa ng mga cabinet officials na akuin ng Pangulo ang responsibilidad sa sumablay na diskarte sa hostage crisis.

Ang positibo lamang umano ay sadyang popular ang Pangulo at nananatili ang tiwala rito ng mamamayan.

Sa SWS survey ay nakakuha ang Pangulo ng positive 60 percent net satisfaction rating sa loob ng unang 100 araw sa Palasyo.

Tinuran ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, iginagalang nila ang nasabing opinyon ng mambabatas laban sa kanila.

Lahat naman umano ay “entitled” para magsabi ng kani-kanilang mga opinyon, pagpuna at reklamo sa administrasyon. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply