Kabayan igigisa sa P7-B Pag-IBIG fund mess

IPATATAWAG  ng Senado si dating Vice President Noli “Kabayan” de Castro, dating chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) upang “igisa” sa P7.1 bilyong Pag-Ibig funds fiasco na kinasasangkutan ng isang pribadong housing developer.

Sa pahayag, sinabi ni Sen. Serge Osmena, nakatakdang ipatawag din sina Vice President Jejomar Binay, kasalukuyang chairman ng HUDCC, dating Pag-IBIG chief, ngayon  Rep. Romeo Federico S. Quimbo.

“Kailangan magbigay linaw siya (De Castro) sa naturang kontrobersiya,” ayon kay Osmena.

Si De Castro ang chairman ng Board of Trustess ng Pag-IBIG Funds nang aprubahan ang P7.1 bilyong pautang sa Globe Asiatique Realty Corporation, Inc., na siyang nagtayo ng dalawang housing project sa Pampanga.

Base sa datos ng Senado, pumayag ang Pag-IBIG na aprubahan ng Globe Asiatique ang mahigit 9,951 aplikante ng pabahay sa pangalan ng naturang ahensiya, ngunit 400 borrowers ang tumangging mag-aplay ng housing loan, 1,000 ang hindi matukoy at 200 ang di-kumpleto ang pangangailangang dokumento ngunit inaprubahan ng ahensiya ang pautang.

“The probe will dig deeper into why the housing firm was allowed to qualify the borrowers on behalf of the agency, putting at risk some P7.1 billion in housing mortgages just for the two Xevera projects in Pampanga,” giit ni Osmena. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply