Kahit panay ang tawag sa kanya: Rich Asuncion, wala nang nararamdaman sa ex-BF na si Aljur Abrenica

TAHASANG sinabi ni Rich Asuncion na wala na siyang nararamdaman sa ex-bf niyang si Aljur Abrenica. Kahit pa panay na naman ang tawag ni Aljur sa kanya para imbitahin siya for dinner ay bilang isang kaibigan na lang daw ang turing niya dito.

Aminado siyang na-trauma siya nang husto nang away-awayin siya noon ng fans nina Aljur at Kris Bernal.

Wala na siyang pakialam kung sakaling nali-link si Aljur kay Rhian Ramos ngayon. Gusto na lang niyang kalimutan ang aktor. At sa katunayan ay open daw siya ngayon for new suitors. Kasama si Rich sa panghapong teleserye na Little Star na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado, Mark Anthony Fernandez at Lovi Poe.

DATING BEAUTY QUEEN, NAWALAN NG BAG SA ISANG MR. OLIVE C PAGEANT

Super successful ang nangyaring Mr. and Ms. Olive C model search sa Skydome noong Huwebes ng gabi. Na-impress ang mga judges at audience sa kakisigan at kagandahan ng mga kandidato. Wala ka talagang itulak- kabigin pero tulad ng ibang contest may mga mananalo at may matatalo.

Nanalong Mr. Olive C si Hiro Peralta (16) na alaga ng katotong John Fontanilla. Crowd’s favorite si Hiro mula pa sa umpisa ng pageant at ang daming tumitili tuwing lumalabas siya ng stage. Artistahin kasi talaga ang dating niya with his mestizo good looks and height (5’11).

Balita sa amin ni John, kinukuha na ng GMA si Hiro para sa Tween Hearts. Bongga! Si John din ang manager ni JR de Guzman ang current celebrity ng Olive C Pimple soap. Ang nanalong Ms. Olive C ay si Mariel Orais ng Cebu. Mula sa umpisa ay obvious na si Mariel ang mananalo kasi halos lahat ng special awards ay nakuha niya.

Nakakaloka lang dahil isang dating beauty queen na tumayo bilang isa sa mga judges ay nawalan ng bag. Tinawag kasi siya sa stage para magbigay ng award at iniwan lang niya ang kanyang bag sa kanyang upuan. Pagbalik niya ay lost na ang kanyang mamahaling bag na naglalaman ng cash, cellphones at mga sari-saring credit cards. Super iyak tuloy ang pobreng ex-beauty queen!

***

Swerte ni Richard Poon dahil nag-iisa lang siya sa kanyang genre bilang isang big band singer. For a while ay nag-attempt si Jan Nieto na pasukin din ang pagkanta ng standards pero hindi na nito itinuloy.

Kaya naman lahat ng records niya ay mabenta. His third album is now out in the market titled, “I’ll Be Seeing You”. Siya na nga ang undisputed Michael Buble ng Pilipinas. Hinirang din siyang Best Concert Performer of the Year sa nakaraang Awit Awards.

At bilang pasasalamat sa kanyang ever loyal fans ay magkakaroon siya ng isang bonggang concert titled “ The Crooner” with a 25 piece orchestra on Nov. 12 sa PICC Planery Hall. Special guest niya ang kanyang bestfriend at kapwa Cornerstone artist na si Sam Milby plus Pokwang and Lea Salonga. Tickets are available at all SM Malls and Ticketworld.

***

Parami na rin nang parami ang Cornerstone artists na pinangungunahan nina Sam Milby, Yeng Constantino at Richard Poon. Twenty na lahat sila ngayon sa poder ni Erickson Raymundo including Direk Joyce Bernal.

Recently ay ipinakilala ang apat na promising acts na nasa management ng Cornerstone and Star Magic. They are the brothers act, The Lamars (DJ and Micah), the sisters act, Krissy and Ericka, boyband 3AM and soloist Emmanuelle Vera. All are very good looking, talented and youthful, May kani-kanilang albums din sila under MCA Records, Star Records and Universal.

Bongga sina Krissy at Ericka kasi pinadalhan sila mismo ng sulat ng Paramount Pictures para magpaalam na isasama ang video version nila ng “Baby” sa upcoming movie ni Justin Bieber. Their album is also a bestseller not only here in the Phils but also for the rest of Asia.

Si Emmanuelle naman ang nagsilbing kontrabida ni Sarah Geronimo sa Idol at super crush niya si Coco Martin. Ang brothers na soina DJ at Micah ay pareho naming type si Sarah. At sina Mica at James naman ng 3AM ay parehong crush si Anne Curtis. Tonee Coraza

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply