Kailigalan ni Mayor Ilagan!

SA kabila nga ang bataktakan sa Senado hinggil sa jueteng isyu ay hindi naapektuhan nito sa Cainta Mayor Mon Ilagan  dahil sa kasalukuyan ay lantaran muli ang mga pasugalan sa aming bayan.

Muling pinalarga ng kanyang bayaw na si Buboy S., ang mga illegal gambling sa Cainta kaya hayun, kabi-kabila na naman ang mga video karera, jueteng, loteng, ending, tupada, bookies karera atkung ano-ano pa.

Walang takot si Buboy dahil nga sa kanyang matikas na bayaw.

Tayo ba naman ang magkaroon ng bayaw na parang pader na sasandalan, hindi kaya kahit Las Vegas ay itatayo rin natin?

Huwag sabihin ni yorme Ilagan na wala siyang alam dito at kumikilos lang na mag-isa si Buboy na kanyang bayawski?

Diyan lang sa Felix ay walang humpay ang pagpapataya ng mga kubrador ni Tavio. Ganyan katikas si Buboy S., na tatakbo raw bilang barangay tserman sa San Isidro!

Har har har! Dadalhin kaya ng kanyang mga kabarangay ang ganitong klaseng tao na siyang humahawak ng mga kailigalan sa Cainta?

Matatawag tuloy natin iyan na Kailigalan ni Mon Ilagan!

SEGURIDAD SA KALSADA PINALAKAS SA NALALAPIT NA KAPASKUHAN

HIGIT pang palalakasin ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang seguridad ng publiko sa lahat ng lugar sa lungsod upang lalo pang maging ligtas ang mga ito ngayon nalalapit na ang pagdiriwang ng kapaskuhan.

Ayon kay Echiverri, inatasan na niya ang hepe ng lokal na pulisya na si Sr. Supt. Jude Santos na magdagdag ng pulis sa bawat lansangan ng lungsod nang sa gayon ay madaling makakaresponde ang mga ito kapag may mangyayaring krimen.

Nagdagdag na rin ang lokal na pulisya ng police beat patrol at bike patrol nang sa gayon ay magdalawang-isip ang mga masasamang loob na gumawa ng anumang krimen kapag nakitang maraming pulis ang nakakalat sa mga lansangan.

Maging ang mga tauhan ng Reformed Department of Public Safety and Traffic Management (RDPSTM) ay inatasan na rin ni Echiverri na tumulong sa lokal na pulisya sa pagpapanatili ng katahimikan ngayong nalalapit na ang kapaskuhan.

Kasabay nito, nagbigay na rin ng suporta ang Liga ng mga Barangay sa Caloocan City sa kampanyang ito kung saan ay 24-oras na magmamanman ang mga barangay tanod sa kani-kanilang lugar para sa pagpapanatili ng katahimikan.

“Kapag tahimik ang isang lugar ay tiyak na mas lalo pang darami ang mga negosyante na magkaka-interes na magtayo ng negosyo sa ating lungsod kaya’t dapat lamang na bigyan natin ng atensiyon ang pagpapanatili ng katahimikan”, paliwanag ni Echiverri.

Kasama sa tututukan ng pulisya ang mga matataong lugar tulad ng mall, bus terminal at iba pa na madalas na pinupuntahan ng mga residente at ng mga turista na dumadalaw sa naturang lungsod.

“Umaasa tayo na sa pamamagitan ng pagpapalakas natin sa seguridad sa ating lungsod ay hindi na madagdagan ang mga street crimes na ang kadalasang nagiging biktima ay ang mga simpleng mamamayan”, pagtatapos ni Echiverri.

Kung sino man ang nakakakita ng hindi maganda o anomaly sa paligid, maaari kayong mag-text sa CP#09213813053 o mag-email sa arnold112761@yahoo.com. Arnold Pajaron

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply