Kalusugan ng bata sigurado, basta i-GP mo!

Si DOH Secretary Enrique Ona na nanguna sa paglagda sa pagsusulong ng GP program.

KASUNOD ng pananalasa sa lupit ng bagyong Juan,  nakababahala naman ngayon ang tiyak na pagkakasakit ng mga sanggol at bata na nasa evacuation centers.  Pangunahin ang pagtatae dahil sa kawalan ng malinis na inuming tubig at pampaligo, maruming kapaligiran, kawalan o kakulangan ng palikuran, masustansiyang pagkain; pneumonia at iba pang mga sakit.

Sa 2008 report ng National Demographic Health Survey (NDHS), nangunguna ang pneumonia sa sanhi ng pagkamatay ng bata; tigdas sa mga batang edad lima pababa; pagtatae, kabilang sa 10 sanhi ng pagkamatay; 14 na lalawigan ay itinuturing na nasa mataas na panganib sa neonatal tetanus (baby) at ang ‘injuries’, ikalawang sanhi ng pagkamatay pa rin ng bata mula  edad 1-4.

Samantala, sa 2008 Food and Nutrition Research Institute (FNRI)-Department of Science and Technology (DOST), 26% ay kulang sa timbang sa bawat pre-school children; 28 ang bansot at 6 ang mga payat.

“In every 100 of these children were overweight for their age and 3 were overweight for their height.  In every 100 children aged 6-10 years old about 26 were underweight and 2 were overweight; 32 in every 100 of these children were underheight.”

“Prevalence rate of Soil-Transmitted Helminthiasis (STH)  among pre-school children, 1-5 years old with baseline of 66.44% in 2004 decreased by 22.74% during the follow-up study in 2009 and among school children, 6-12 years old with baseline in 2006 of 54% decreased to 44.7% in 2009 follow-up study conducted by UP-NIH.”

Ang STH ay sakit na ‘parasitism’ o pagkakaroon ng bulate sa tiyan.

MILLENIUM DEVELOPMENT GOALS (MDG)

Isa ang Pilipinas sa lumagda bilang pakikiisa sa kampanya ng Millenium Development Goals (MDG) na kinabibilangan ng 192 mga bansa mula sa United Nations (UN) at 23 international organizations.  Layunin nito na maibsan sa 2015 ang matinding kahirapan, taggutom, pagkamatay ng mga bata, sanggol,  mga ina mula sa  panganganak, malabanan ang mga epidemiya at magkaroon ng sapat na edukasyon ang batang mahihirap.

GARANTISADONG PAMBATA (GP)

Upang matugunan ang MDG, umapela si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III o PNoy sa mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor na makiisa para maabot ang nasabing layunin.

Sa pangunguna ng Department of Health (DOH), inilunsad nito ang bagong ‘Garantisadong Pambata:  Kalusugan ng bata sigurado.  BASTA i-GP MO!”  Isang programa o kampanya ng DOH na mas pinaigting para sa mga batang edad 0-14.  Tampok dito ang   araw-araw na pagsasanay sa mga bata sa mga gawaing pangkalusugan, sa tahanan, paaralan, komunidad maging sa health centers.  Ito’y tungkulin ng lahat lalo na ang mga magulang at guro.  Unang inilunsad ang GP noong 1999.

“When we say i-GP mo, we mean healthy behaviors that anyone can do to protect child health.  Essentially, this translates to giving children their right to universal access to quality health care, services and information,” paliwanag ni Health Secretary Dr. Enrique Ona sa paglulunsad ng GP na ginanap sa Manila Diamond Hotel, Malate Manila.

Kasama dito ang pagsusulong ng breastfeeding lalo na sa mga sanggol na nasa evacuation centers o lugar na walang maayos na sanitasyon, pagkumpleto sa bakuna, regular Vitamin A supplementation at pagpupurga, wastong paghuhugas ng kamay, pagsisipilyo, wastong paggamit ng palikuran at pag-iwas sa usok ng sigarilyo sa mga tahanan.

Magugunita na sa mga nakalipas na taon,  nakasentro lamang ang lumang GP sa kalusugan at nutrisyon ng bata.  Naniniwala si Sec. Ona na nakasalalay sa mga bata ngayon ang kinabukasan ng bayan sa hinaharap.  Kaya dapat lamang na maging puhunan nila ang wastong kalusugan mula sa pagkabata.

“We also included children ages 6-14 years old because it is the period of great opportunities, of new ways of thinking about things, of new influences, of changing roles and responsibilities. It is the period that shapes the future individuals, societies and countries.  Investing in the health and development of young people is likely to be one of the key decisions that a nation takes about it’s social and economic progress and stability.  With their energy, idead and enthusiasm, young people are a key resource for promoting their own health and development and contributing to the health of their families and communities,” diin pa ni Sec. Ona.

“Good child health under GP is not just important for children and families now, but a critical foundation for a healthy adulthood,” dagdag pa nito.

Umaasa si Dr. Ona na magiging matagumpay ang kampanyang ito bagama’t maraming hamon at may kahirapan itong abutin basta’t may pagkakaisa.

Government agencies at private sectors

Kabilang sa mga sektor ng gobyerno na nangakong makikipagkaisa ay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa talumpati ni DSWD Sec. Dinky Soliman na binasa ni Dr. Pacita Sareno, DSWD-Programme Management Bureau, nakikiisa ang ahensiya sa pamamagitan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

“The DSWD has taken a more active role not just in ensuring the welfare and promoting the rights of disadvantaged children, but also in providing them their health and nutrition need,” sa mensahe ni Soliman.

Ganito rin ang tugon ng Department of Education (DepEd) sa pamamagitan ng kinatawan nito, Usec. Yolanda Quijano, Programmes and Projects;  Department of Interior and Local Government (DILG), Usec. Austere Panadero; at Dr. Tato Usman para sa Muslim Mindanao.

Mula naman sa mga pribadong sektor,  katuwang din ng DOH ang US Agency for International Development (USAID), Ms. Anne Hirschey; Dr. Howard Sobel, medical Officer for Expanded Programme on Immunization, World Health organization (WHO); Ms. Vanessa Tobin, United Nations Children’s Fund (UNICEF); Dr. Bella Monse, Chief Executive Officer, Fit for School Incorporated.

GP Budget

Tinatayang nasa P2-bilyon mula sa 2011 national budget ng DOH ang nakalaan sa kampanya ng GP o ang ‘expanded child health program’ ng ahensiya.

Ayon kay Director Eduardo Janairo, National Center for Diseases Prevention and Control (NCDPC)-DOH, ang P1.2 bilyon ay nakalaan para sa vaccines o bakuna para sa mga bata gaya ng DPT, hepa, tigdas at iba pa; ang P400-milyun ay para sa pagbili ng micronutrients at para sa operational naman ang natitirang P400-milyun.

PANATANG MAKA-GP

Pinangunahan ng batang actor na si BJ Tolits ang panata para sa kampanya ng Garantisadong Pambata.

Maging ang child actor na si Bernard Joecel Forbes o mas kilala sa tawag na “Tolits’ ay nakiisa din sa paglulunsad ng GP campaign. Pinangunahan nito ang pagbigkas sa panatang maka-GP kasama ang iba pang mga bata mula sa ibat-ibang paaralan.

Sa bawat araw na dadaan

Iisipin ko ang aking kalusugan

Kamay ay huhugasan

Bago kumain at pagkatapos madumihan

Pipiliin ko rin ng husto

Pagkaing masustansiya at wasto

Ngipin ay sisipilyuhin

Pagligo ay aaraw-arawin

Gagagamitin ko ang palikuran

Sa tama at malinis na paraan

Mga kuko ay laging gugupitin

Tsinelas at sapatos laging susuutin

Sa garantisadong mga paraan

Aking kalusugan ay aalagaan. Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply