Kampanya kontra PETCs itinodo

NANGANGANIB na maipasara ang operasyon ng may 14 na private emission testing center (PETC) sa bansa matapos mapatunayan ng Land Transportation Office (LTO)-PETC Ad Hoc Adjudication Committee na lumabag ito sa batas alinsunod sa Clean Air Act.

Ayon sa LTO, lumabag sa bata ang ilang PETC nang magsagawa ang mga ito ng non-appearance testing o hindi pagdadala sa LTO ng sasakyan para maipasuri ang usok ng tambutso bago mairehistro sa ahensiya.

Nagpalabas si LTO Chief Virginia Torres ng “show-cause order” laban sa mga pasaway na PETC para magpaliwanag ang mga ito sa loob ng tatlong araw kung bakit hindi sila maaaring maipasara makaraang mahuli na nagsasagawa ng non-compliance at non-appearance testing sa mga ipinaparehistrong sasakyan.

Ang mga PETC na umano’y lumabag sa emission testing ay ang: Net Emission Testing Center sa MacArthur Highway, Malinta, Valenzuela City; W.RED Emission testing Center sa Real 1 Bacoor, Cavite; Orange Emission Testing Center sa Guagua, Pampanga; Good Morning Emission Testing Center sa Meycauayan, Bulacan; H.R.Eco Clear Emission testing Center sa Sta. Maria, Bulacan; Fernandino’s Emission testing Center sa Cainta, Rizal; EP Emission Testing Center sa Legaspi City, Albay; Environguard Technologies Corp. sa Guiguinto, Bulacan, De Jesus Emission Testing Center sa Bacoor, Cavite; Bearcat Reyes Emission Testing Center sa  Pequeña, Naga City; ASI Emission Testing Center sa Sta. Mesa Heights, Quezon City; Ama Smoke Test Center sa Sto. Nino, Marikina City; A.M Pacleb Enterprises Inc. sa San Roque, Marikina City; at A.M Pacleb Enterprises Inc sa San Elena, Marikina City. Santi Celario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply