Kandidatong kagawad arestado

SA bisa ng warrant of arrest ay naaresto ang isang babaeng kandidato sa pagka-kagawad habang nangangampanya para sa darating na barangay elections, sa Pasay City.

Convicted sa kasong estafa sa Quezon City Regional Trial Court (RTC), Branch 215, at napag-alaman na marami pang warrant of arrest sa ibang hukuman si Ellen Tamayo, 51, may-asawa, walang hanapbuhay, residente ng 451 Block 7 Electrical Road, Brgy. 191 Zone 20, sa nasabing lungsod.

Napag-alaman na dakong alas-10:30 kahapon ng umaga nang abangan nina SPO2 Remus Contreras, SPOI Rolando Pura, SPOI Milton Evangelista, PO3 Joselito Bacuitis ang akusado na abalang namamahagi ng pagkain sa mga tagasuporta, nang arestuhin sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Ma. Luisa Quijano-Padilla, ng Quezon City RTC noong Setyembre 24, 2010.

Napatunayang “guilty” ang akusado kaya’t pinatawan ng kaparusahang pagkabilanggo mula 6 na buwan at 1 araw hanggang 4 na taon at 2 buwan noong Abril 14, 2009.

Ayon kay Casiano Sarenas, 65, negosyante, nakatira sa 18 Malakas st., Brgy. Pinyahan, Quezon City, modus operandi ng akusado ang mag-alok ng prangkisa ng taxi, insurance, car registration may ilang taon na ang nakalilipas. Johnny Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply