Kano dapat lumayas kung di magbabayad

INIHAYAG  ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan na kung hindi makakabayad ng sapat ang pamahalaan ng Estados Unidos sa upa nito sa Pilipinas sa isinasagawang military exercises sa ilalim ng Visiting Forces Agreement (VFA) ay dapat nang lumayas ang mga ito sa Pilipinas.

Ayon kay Pangilinan, dapat umanong magkaroon ng masusing pagrerebisa sa VFA upang matiyak na magkaroon ng sapat na kabayaran ang United States (US) dahil masyadong lamang na lamang ang Amerikano sa pagpapatupad ng kasunduan sa loob ng sampung taon.

“Pay up or leave. If they don’t put their money where their mouths are then they should pack up and leave,” ani Pangilinan.

Dagdag pa ng mambabatas: “They are enjoying ‘first class amenities’ yet are paying dirt cheap rates. Umuupa sila ng mansyon pero ang bayad nila pang barung-barong.”

Nauna nang  nanawagan si Sen, Mirian Defensor-Santiago na dapat ibasura ang kasunduan sa pamamagitan ng pagpapatibay ng isang magkasanib na resolusyon ng Kongreso  alinsunod sa itinakda ng Saligang Batas.

Base sa VFA, maaaring ibasura ang tratado sa loob ng 180 araw kung magbibigay ng patalastas ang magkabilang panig sa pamamagitan ng isang liham na naglalayong tapusin ang kasunduan.  Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply