Kano, Tsino gagawing Pinoy para sa Asian Games

MALAKI ang posibilidad na muling makopo ng Pilipinas ang kampeonato sa nalalapit na Asian Games sa larangan ng basketball matapos payagan ng Kamara na mabigyan ng Filipino citizenship ang isang Amerikano na mapapabilang sa team ng Pilipinas.

Sa pamamagitan ng botong 212 na pabor at 9 na tutol ay naipasa sa deliberasyon kahapon sa plenaryo ang House Bill 2307 o ang ” An Act Granting Philippine citizenship to Marcus Eugene Douthit.

Si Douthit ay may taas na 6’11 at dating kabilang sa Los Angeles Lakers.

Ayon sa isa sa mga may-akda ng panukala na si Antipolo Rep. Roberto Puno, panahon pa ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, noong 1985 nang aprubahan na mapabilang ang tatlong dayuhan sa basketball team ng Pilipinas.

Bukod kay Douthit ay inihain din ang House Bill 2683 na nagpapahintulot naman sa babaeng Chinese na si Xiaojing Zheng, 6’3 ang taas na mabigyan ng Philippine Citizenship upang mapabilang naman sa Women’s basketball team ng Pilipinas.

” I am asking my collegues to pass both bills.  If this is not the right time to use our discretion, which is an opportunity for Congress, then when?” giit pa ni Puno.

Ang pagkakaloob ng citizenship ay nababatay sa tatlong pamamaraan ayon kay Puno, ito ay ang judicial, administrative at legislative method kung saan ang Kongreso ang may diskresyon na magbigay nito.

Ipinaliwanag pa ni Puno na nakasaad din sa panuntunan ng FIBA na ang isang basketball team ay dapat binubuo ng 11 natural born citizen at 1 naturalized player.

Ang Asian Games ay isasagawa sa November 12 sa Guandhong, China.  Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply