Karnaper sugatan sa engkwentro

PATAWIRIN ang buhay ng isang karnaper makaraang makipagpalitan ng putok sa mga rumespondeng awtoridad hanggang sa masukol nang tamaan ng bala sa katawan, kahapon, sa Quezon City.

Sa ulat kay QCPD Director Chief Supt. Benjardi Mantele, nakilala ang suspek na si Ricardo Ocampo, alyas Erick Garcia, 40, may-asawa ng 68 Brgy. Sipac, Almazen, Navotas.

Si Ocampo ay kasalukuyang inoobserbahan sa Quezon Memorial Medical Center dahil sa isang tama ng bala sa kaliwang kili-kili nito.

Nakilala naman ang biktimang si Sherwin Lim, 32, may-asawa ng 119 Tandang Sora st., Edsa, Caloocan City.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Antonio Galauran, nangyari ang insidente sa Bignay st., Brgy. Quirino, 2-A, Project 2, ng nasabing lungsod.

Nauna rito, nagtungo sa tanggapan ni Supt. Ferdinand Villanueva ang biktima hinggil sa ginawang pagtangay sa kanyang sasakyan habang nakaparada sa naturang kalsada.

Kaagad na rumesponde si Villanueva kasama ang iba pang tropa at pinuntahan ang lugar. Habang papalapit ang mga awtoridad sa lugar ay agad silang napuna ng suspek at mabilis na sumakay sa kinarnap na sasakyan bitbit ang baril.

Hinabol ito ng mga operatiba hanggang sa makorner sa  kahabaan ng Lanzones st., kung saan inutusan na sumuko nang mahinahon. J. de Jesus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply