Karpintero nagbigti

PATAY at matigas na ang katawan ng isang karpintero nang makita itong nakabigti sa isang ginagawang gusali sa Ermita, Maynila.

Hinihinalang may ilang araw nang patay ang biktimang si Ogie Lumbre, stay-in na karpintero at tubong Lipa City sa Batangas. Sa ulat ni SPO4 Steve Casimiro, dakong alas-nuwebe y medya ng umaga nang natagpuang patay ang biktima sa ikatlong palapag ng ginagawang gusali sa 800 P. Gil st., Ermita, Maynila.

Ayon sa salaysay ni Carlo Cuenca, employer ng biktima, dumating siya sa gusali at hinanap ang biktima hanggang sa nakarating siya sa ikatlong palapag, kung saan nakita ang biktima na nakabitin ang leeg gamit ang isang nylon cord sa ilalim ng hagdanan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply