Kasambahay na hinimatay namatay

INIIMBESTIGAHAN ang pagkamatay ng isang kasambahay matapos na mawalan lang ng malay nang uminom ng gamot para sa lagnat kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Namatay habang ginagamot sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Elizabeth Lagrimas, 42, kasambahay ng among si Sherly Isidro, ng Blk. 19, Lot 9 Model Community, Concha st., Tondo.

Ayon sa ulat ni PO3 Jay Santos, dakong 8:07 ng gabi ay idineklarang patay ang biktima ng mga doktor ng nasabing ospital.

Kararating lamang umano ni Isidro mula sa probinsiya nang mapansin niyang matamlay at tila may dinaramdam si Lagrimas.

Nang tinanong ni Isidro ang biktima ay sinabi nitong nilalagnat lang kaya binigyan siya ng gamot na anti-flu.

Makalipas ng ilang minuto ay nanghina ito hanggang sa mawalan ng malay. Sa puntong ito ay isinugod na si Lagrimas sa pagamutan. J. Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply